CHAPTER 4

1939 Words
Nandito kami ngayon ni John sa library habang gumagawa ng assignment pareho.   Remember, ka-group ko siya sa Math, kaso hindi naman Math ‘to kundi Science ang assignment na ginagawa namin, at habang nagsasagot kami pareho sa aming mga notebook ay…   “Ja!” sigaw niyang pabulong na kinatingin ko dito.   “Ano?” pabulong ko ding sagot dito.   “Wala,” sabay sagot niya sa akin. Tinaasan ko tuloy ito ng kilay.   “Asar ka talaga, baliw!” sabi ko sabay irap dito na kinatawa niya nang malakas kaya naman narinig siya ng librarian namin, napatingin ito sa kanya at sinabihan siyang, “Quiet!”   Nagkatinginan tuloy kaming pareho sa isinigaw na iyon ng librarian namin at napatawa sa isa’t-isa.     “Ikaw kasi eh, ang ingay mo,” bulong ko dito habang natatawa pa din, “Buti nga sa iyo,” dagdag ko pa sa kanya sabay dinilaan pa ito dahilan para mapatawa siya pero pinipigilan na niya itong maging malakas.   Ipinagpatuloy na lang namin ang pagsagot sa assignment namin.   “Ja,” mahinang tawag na naman nito sa akin.   “Oh?” lingon ko na naman dito, magkaharap kasi kami sa isang table, “Why?” tanong ko, “Mang-aasar ka na naman ba, hah?”   “No,” sagot naman niya habang umiiling sa akin.   “Eh ano nga?” tanong na bumaling ulit sa ginagawa kong pagsusulat.   “Can I sit beside you?” tanong nito na kinatingin ko kaagad sa kanya.   “Hah, what do you mean?” tanong kong muli dito.   “I cannot find some answers here,” sagot naman niya sa akin, “Maybe you got the correct book,” nakangiti niyang sabi sa akin na kinatingin sa notebook niya.   Oo nga, para ngang wala, sambit ko sa isip ko, paano ba naman, nasa number 5 na ako, siya nasa number 2 pa lang, baka nga talagang hindi tama ang librong nakuha niya.   “Okay,” sagot niya sa kanya na umurong nang kaunti para may space siya.   Tumayo naman siya at lumipat nga sa tabi ko.   “Thank you, Ja,” sabi nito sa akin.   “You’re welcome,” mahinang sagot ko naman sa kanya, “But make sure you will help me with the difficult questions, ah,” paalala ko dito.   “Of course, I will, don’t worry,” ngiti niyang sagot sabay salute sa akin.   “Oh sige na, you answer,” sabi ko na kinatango na lang nito sa akin.   At patuloy na nga kaming nagsagot sa assignment namin.   Habang nagsasagot kami ay napapatingin ako sa kanya. Nakikita ko kasi na masyado siyang seryoso sa pagbabasa niya sa libro. Napangiti tuloy ako at saka bumaling ulit sa ginagawa ko.     Makalipas ang ilang minuto ay parehas naming natapos ang assignment namin sa Science at sabay na din kaming lumabas ng library.   At habang naglalakad kami pauwi ng bahay ay, “John, pansin ko lang ah,” sita ko dito, “Bakit parang masyado ka atang inspired ngayon?” tanong ko dito na kinabaling ng tingin niya sa akin.   “H-Hah?” sambit niya, baka kasi hindi niya naintindihan ang tanong ko kaya naman inulit ko.   “I said, you look inspired,” kahit mahirap ay pinilit kong i-translate sa abot ng aking makakaya, “Ikaw talaga pinapahirapan mo ako eh, nakakainis ka na, ah,” sabi ko tuloy dito.     “Ow, I’m sorry, I understand now,” sabay ngiti nito sa akin.   “Naiintindihan mo naman pala, pinapa-translate mo pa sa akin,” nakasimangot ko na namang sabi dito.   “I’m sorry, okay,” hingi naman niya ng tawad sa akin.   “Fine, you are forgiven, just answer my question,” balik ko dito.   “Ow, yeah, actually I’m not inspired, but rather dedicated, Ja,” sagot nito sa akin na kinakunot ng noo ko.   “Pinapahirapan talaga ako nito, eh,” sabay sabi ko na kinatawa niya, “Oh, what so funny?” inis na tanong ko dito.   “You,” sagot naman niya sa akin.   “Hah, bakit ako?” tanong ko naman dito.   “Because you always make things difficult for you,” sabi niya.   “Hah, eh ikaw nga ‘tong nagpapahirap sa akin eh,” sagot ko naman dito.   “Of course not,” mabilis niyang sagot sa akin.   “Of course not ka diyan, konyat gusto mo, hmp,” sabi ko dito.   “Look, Ja, I actually understand your question, it’s just that my mind is buffering kasi it’s tagalog,” sagot niya sa akin habang nag-aaction nang pag-ikot ng dalawang kamay niya sa paligid ng ulo niya.   “Sus, dami mong alam, sinabi ko naman kasi sa iyo, practice speaking tagalog at home para hindi ka nale-left behind sa akin, lalo na sa classroom kasi nasa Pilipinas ka,” dire-diretso kong sabi dito na hindi ko man lang naalala na baka hindi niya maintindihan.   “Hey, stop it there,” reklamo na niyang sagot sa akin na kinatawa ko na dito, “What so funny?” tanong tuloy niya.   “look who’s talking,” tawa ko tuloy dito.   “Ugh, Ja,” sita niya sa akin.   Tumawa na naman ako, “I’m sorry, mabuti pa ilibre mo na lang ako, ginutom ako sa paglalakad eh,” sabi ko dito habang papalapit kami sa tindahan ng fishballs.       “We just ate some biscuits, and now you’re hungry again?” sabi nito na hindi makapaniwala sa sinabi ko.   “Eh anong magagawa ko, sa mabilis mag-process ang metabolism ko eh,” sagot ko naman dito, “At kahit kumain ako ng madami, hindi naman ako tumataba, kasi sexy ako,” dagdag ko pa dito.   Napatingin naman ako sa kanya.   “I can’t believe you,” sabi niya lang sa akin na kinatawa ko bigla sa kanya.   “Sige na, bili ka na ng fishballs,” ungot ko dito na inakbayan pa siya. Ganoon na kasi kami ka-close.   “Ikaw talaga,” sabay binatukan niya ako pero hindi naman malakas, “Akala mo you’re that sexy, of course not, you’re actually thin,” tawa niyang sabi na kinatawa ko na din dito. “Lampa ka nga, ‘di ba?” dagdag pa niya na kinatigil kong bigla sa pagtawa nang malakas.   “Lampa ka nga diba? Haha.”   Nag-sink-in bigla sa utak ko ang huling sinabi niya. May bigla tuloy akong naalala.   Si Jam!   Siya lang ang nagsasabi sa akin ng gano’n! Sabi ng isip ko.   Napatigil tuloy si John sa pagtawa nang magsalita ako nang seryoso, “Hindi ka nakakatawa!” sabi ko sabay irap sa kanya at tinalikuran siya tapos dire-diretsong naglakad.   Sumunod naman siya sa akin.   “Sorry, Ja, I didn’t mean that, sorry,” sabi niya pero hindi ako nakikinig sa kanya, dire-diretso pa din ako habang nakasimangot.   Paano ba naman kasi, pinaalala pa niya, na-miss ko na naman tuloy si Jam!   Kainis!   “Ja!” tawag niya pero hindi na talaga ako lumingon pa.   Hanggang sa maabutan niya ako at hawakan ang braso ko para pigilan ako sa paglalakad.   “Ano ba?” napatigil ako, “Uuwi na ako,” tumingin ako sa kanya, “Kaya kong umuwi mag-isa, okay, bitiwan mo na ang braso ko, John, pwede?” sabi ko na talagang inirapan na siya, pero hindi niya ako binitawan instead ay lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakahawak niya sa akin na kinagulat ko.   “John, ano ba?” reklamo ko na dito, “Nasasaktan ako!” sabi ko na hindi nang-iirap kundi nagmamakaawa na at nasasaktan.   Pero wala siyang reaksyon, wala siyang sinabi na kahit na ano.   Hanggang sa may biglang magsalita, “Bitiwan mo siya!” sigaw ng kung sinong nasa likuran ko.   Kilala ko ang boses na iyon.   Pero siya nga ba?   Hindi!   Wala siya dito.   “Pare,” muli na namang nagsalita ang tao na nasa likuran ko, “Bitiwan mo ang best friend ko sabi eh!” sigaw pa din ng tinig na iyon na talagang kinakabog ng puso ko at kalamnan ko lalo na ng marinig ko ang salitang best friend. Napatingin na ako sa likuran ko   Jam! sabi ng utak ko, It’s you!   Napalingon na din si John dito at dahan-dahang binitawan ang braso kong hawak nito, “Ja, I’m sorry, please, please forgive me, I didn’t mean to hurt you,” paghingi ng sorry ni John sa akin, “It’s just that I misinterpret everything that you have said,” paliwanag nito na lumuhod pa sa harapan ko.   “Layuan mo na ang best friend ko!” singhal nito kay John, “Ni minsan hindi ko naganyan ‘yan pero ikaw----,” sabi ni Jam sabay lapit kay John at hinawakan ang kwelyo nito dahilan para mapatayo na si John na pagkakaluhod niya.   Napatingin tuloy ako sa ginagawa ni Jam. Hindi ko kasi inaasahan na darating siya. Nakakagulat isiping nakikita ko siya ngayon.   “You don’t understand, bro,” sagot naman ni John na napipika na din kay Jam, “You’re not been here the long time,” sabi ni John, “You don’t understand what’s going on,” singhal na din nit okay Jam, sabay padaskang tinanggal ang dalawang kamay ni Jam na nakahawak sa kwelyo niya.   “Eh sira ulo ka pala eh!” sagot din ni Jam dito nang pasigaw, “Akala mo makukuha mo ako sa pa-english English mo, hah, *l*l mo, nasa sa Pinas ka, magtagalog ka,” sagot pa nito, “Ikaw ang walang alam sa mga nangyayari!” sigaw ni Jam na kinagulat ko.   Ang lapit ng mukha nilang dalawa sa isa’t-isa na akala mo ay nagsusukatan ng kanilang mga lakas.   Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa kanilang dalawa, para kasing gusto nilang magsuntukan na hindi ko maintindihan.   Lumapit na lang tuloy ako sa kanila at nagsalita.   “Ano ba kayong dalawa?!” sabi ko na gumitna na sa kanila, “Dito pa talaga kayo nagganyanan, ano?” nakasigaw na din ako sa kanilang dalawa, “Ikaw!” turo ko kay John, “Wala kang naiintindihan!” sigaw kong sabi at, “Ikaw naman,” baling ko naman kay Jam, “Wala kang alam!” sigaw ko pa ding sabi sa kanilang dalawa, “Parehas kayong walang naiintindihan at walang alam,” sabi ko na medyo humina na ang boses dahil may luha na pala sa mga mata ko, “Parehas lang kayong dalawa,” iyon ang huli kong sinabi bago ko sila tinalukuran na dalawa.   Tumakbo ako palayo sa kanila, ayoko kasing makita nila akong umiiyak, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko pero isa lang ang sigurado ako ngayon, gusto kong makalayo sa kanilang dalawa. Parehas kasi silang walang alam sa nararamdaman ko. Wala silang pakiramdam!   Nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang sa maramdaman ko na ang pagod. Huminto ako at painot-inot na naglakad na lang hanggang sa makarating ako sa paborito kong lugar.     Nasa playground na pala ako, kung saan ako laging nakatambay mag-isa at nagmumuni-muni, dito dinala ako ng mga paa ko. Hindi ko ito inaasahan.   Umupo ako sa swing at inalala ko ang nangyari kanina sa school.   Napangiti ako.   Dumating na siya.   Dumating na si Jam.   Nakita ko na ulit ang mukha ng best friend ko.   Narinig ko na ulit ang boses ng best friend ko.   Kahit saglitan lang iyon, masaya na din ako kasi nakita ko na ulit si Jam!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD