Nagulat na naman ako, "Ano?!” nasambit ko, “Jun, hindi magandang biro ‘yan, ah,” sita ko dito, “Itigil mo," sabi ko pa. "Jam, hindi ako nagbibiro,” sagot naman nito sa akin, “Hindi mo pa ba alam, three weeks na silang nagde-date, marami na ngang nakakakita eh." "Jun, pare, totoo ba iyan?” tanong na dito ni Jet, “Kanino mo naman nalaman?” Nakatitig lang ako kay Jun. Three weeks?! We've been together for f*cking one month! Tapos three weeks siyang may ka-date na ibang guy?! Nag-init bigla ang ulo ko at umalis sa canteen. Narinig kong tinawag ako nila Jet at Jun pero hindi ako lumingon. Dire-diretso lang ako papunta sa room nina Jek. Nang makarating ako do’n, nakita ko siyang nakikipagtawanan sa mga friends niya. "Oo, ano ka ba, binigyan niya nga ako

