Two days after nang umalis si John, parang ang bagal ng araw. Hindi ko alam kung nang-aasar ba, kasi naman talagang name-miss ko na siya! Oo, nami-miss ko na nga si John, ang boyfriend ko. Nagte-text naman siya, oo. Tumatawag, oo din pero kulang kasi. Sanay kasi akong kasama siya, hinahatid ako, kasabay kumain, kasabay pumasok at syempre lagi kaming nagde-date. Kahit two days pa lang ang lumilipas, parang para sa akin isang buwan na kaagad ang nagdaan. Tulad ngayon, walang pasok, sabado kasi. "Ano kayang ginagawa niya ngayon?" tanong ko sa sarili ko habang nakahiga lang ako sa kama at nagmumuni-muni. "Hay naman, makapag-bike na nga lang sa playground," tumayo ako at nag-ayos, bumaba at nagpaalam kay Mama, "Ma, bike lang po ako sa playground." "O sige, inga

