Nagising si Elena na tila may mabigat na bagay na nakadagan sa katawan niya. Gusto niyang gumalaw ngunit wari nakagapos ang siya dahil hindi niya magalaw ang katawan. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at una niyang nasilayan ay makinis na leeg ng kung sino. Tumingala siya para lang mapanganga dahil ang natutulog na mukha ni Alvin ang nakita niya! Kaya pala hindi siya makagalaw dahil sa sobrang higpit ng yakap nito sa kanyang katawan. Nakapatong din ang isang hita nito sa bewang niya kaya mabigat ang pakiramdam niya. Noon lang din niya na realize na nakayakap din pala siya sa lalaki. Himbing na himbing ang tulog nito at ginawa siyang unan! Agad siyang bumalikwas nang bangon para lumayo sa kama ngunit ayaw siyang bitawan ni Alvin! "Hoy! Gumising ka, Ang bigat mo!" "Nope. Huwag kang

