Hindi alam ni Elena kung matatawa o sisimangot sa nakikita. Nasa duyan siya habang tinatanaw si Alvin na nagwawalis ng bakuran nila. Kanina pa ito pero hindi parin natatapos. Paano kasi? Pati mga maliit na bato ay kasali sa winalis nito. Sa sobrang linis ng bakuran nila pati alikabok ay nahihiyang magsilutangan. Hindi naman kalakihan ang kanilang bakuran, tama lang na kayang gumarahe ang tatlong sasakyan. Nakita niya ang pawis na pawis ang lalaki kaya naghubad ito ng pang itaas na damit. Nakarinig tuloy siya nang singhapan galing sa tindahan ni Aling Barbara sa tapat. Mukhang ngayon lang nakakita ang mga ito ng lalaking nakahubad baro samantalang marami namang tambay na nakahubad sa labas. Nilingon niya ang mga sesmosa at nangunot ang noo. Nang-uusli ang mga nguso nito na parang kulang

