ALVIN MATTHIAS- Kakaiba ang tingin ng tatlo niyang kaibigan sa kanya. Nasa isang Club sila sa dati nilang tambayang magkakaibigan. Sunod-sunod ang shot na ginawa ni Alvin na halos maubos na niya ang isang bote nang Jack Daniel. "Hey dude! What's wrong with you? Kulang nalang ihilamos mo iyang alak eh." si Brad na kinuha ang bote nang alak at inilayo sa kanya. "What's your problem? Akala mo ba hindi namin napapansin na ilang linggo ka nang balisa?" si Kean na seryosong natingin sa kanya. "Tama. At alam niyo ba, that guy set a meeting with a Bank Magnet using my name!" Si Miguel naman ang nagsabi niyon. Totoo, noong unang nagkita sila ni Elena ay plano niya iyon. Si Miguel ang dapat na ka meeting nito pero sinabi niya sa kaibigan na siya ang papalit nang malaman na kompanya ni Dwayne

