Ang seryosong mata ni Alvin ay hindi niya kayang tagalan. Naghalo-halo ang emosyon sa mukha nito kaya nag iwas siya nang tingin matapos niyang isigaw sa pagmumukha nito ang katotohanan. "How old is he?" madiin nitong tanong. "He's 3 turning 4." "You have to explain me further Elena. Hindi ko alam kung anong nagawa ko sayo para saktan mo'ko nang ganito. I have a son for christ sake! May plano ka man lang bang sabihin sakin kung hindi ko siya nakita?" galit nitong sambit. She was stunned. Ngayon lang niya ito nakitang ganito. Alvin was authorative and intimidating pero ngayon ay tila ito naligaw at hindi alam ang gagawin. "M-may plano akong sabihin.." garalgal niyang turan. "When? Kapag umalis ka na naman nang walang pasabi? You f*****g leaved me without even saying anything!"

