Seven months later - "Nay.. tawagan mo si Alvin, please.." padaing na sambit ni Elena sa ina na nagluluto ng pananghalian nila. Galing siya sa pool at nagpapahangin sana doon nang bigla nalang parang may kumirot sa puson niya. Kinabahan siya agad kaya pumasok siya sa loob ng bahay. Si Matty ay naa taas at naglalaro ng vedio game sa kwarto nito. Minsan lang kasi ito nakakauwi dito sa bahay ng ina kaya sinusulit ng anak nila. Nasa b****a siya ng pinto sa kusina habang nakahawak sa tiyan niyang kumikirot. Mabilis naman bumaling ang nanay Helena niya sa kanya at may pag aalala sa mukha nito. Nilagay nito sa gilid ang sandok at kinuha ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng cabinet. "Jusko! Manganganak ka na ba? T-teka at tatawagan ko ang asawa mo. Bakit ba kasi pumasok pa iyon sa opisi

