7 YEARS LATER- Parang kahapon lang, parang kaybilis magbago ng araw at pitong taon na agad simula nang kasal nila ni Alvin sa simbahan. Pitong taon na din si Crystal at kasalukuyan ng pumapasok sa grade school. Ewan, pero kabaliktaran sa kanya ay masyadong seryoso at mahinhin ang anak niyang babae. Si Matty naman ay 11 years old na at nagbibinata. Graduating na din ito sa elementary at sobrang tangkad na, lagpas pa nga sa kanya, actually. Napapangiti nalang si Elena kapag nagbabalik-tanaw siya sa nakaraan. Kasalukuyan siyang bumababa sa hagdan ng bahay nila para maghanda ng agahan. Kahit may katulong naman sila ay gusto niya parin na siya nag nagsisilbi sa asawa't anak niya kaya nagluluto parin siya minsan. Lalo na kapag hindi siya busy sa kompanya ng daddy niya. Kahit nasa Pilipinas

