Sa araw na iyon ay nasa bahay na naman ulit nila si Alvin. Hindi niya nga maintindihan dahil parang hindi ito busy sa araw-araw at ang daming oras para tumambay sa bahay nila. Tuwang-tuwa naman si Matty dahil lagi nitong nakakalaro ang ama, na kadalasan ay chess. Naging bonding ng dalawa ang ganoon at minsan ay sa playhouse na binili ni Alvin naman ang mga ito tatambay. Siya naman ay parang timang lang na nakasunod lage kay Matty. Tiga pahid ng pawis nito, tiga lagay ng bimpo sa likod at tiga pulbo na rin. Hindi naman siya nagrereklamo dahil nag e-enjoy siyang alagaan ang anak kaya lang minsan at naiilanh siya kay Alvin. Tulad ngayon, Nasa playhouse ang mga ito at siya naman ay galing sa kusina. May dala siyang meryenda para sa mga ito pero naabutan niya ang lalaki na mukhang nag wo-work

