Isang linggo na ang lumipas mula nang makauwi sina Elena sa mula sa Probinsya. Araw-araw ay halos nagpupunta si Alvin sa bahay nila para bisitahin si Matty. Minsan ay magka vedio call ang dalawa at hindi niya alam kung anong pinag-uusapan ng mga ito dahil pinapapabayaan niya ang anak na makipag-usap sa ama nito. Minsan pa ay naririnig niyang bumubulong si Matty sa cellphone at hahagikhik ng tawa habang kausap si Alvin. Kapag tinatanong naman niya ang anak ay puro wala ang sinasagot ng bata kaya nagkibit lang siya nang balikat. Kagaya ngayon, akala niya ay ang ina ang dumating dahil galing itong grocery store. At dahil walang taong nagbubukas ng gate ng may nagdoorbell ay siya ang lumabas. Ngunit hindi ang nanay Helena niya ang nasa labas kundi si Alvin. Naka suot ito ng kulay itim na s

