Malalim na ang gabi nang bumangon si Elena sa kama. Pagtapak palang niya sa sahig ay feeling niya nabali ang mga buto niya sa katawan. Nasobraan yata talaga sila ni Alvin at mukhang ma-iimbalido pa yata siya ng ilang araw. Pinilit niya paring tumayo at maglakad palabas ng kwarto. Kahit na parang sinilihan ang gitnang hita niya ay hindi nalang niya iyon pinansin. Gutom na talaga siya kaya kailangan niyang umabot sa kusina. Nilingon niya ang lalaking nakadapa sa kanyang kama, maaliwalas ang mukha at mahimbing na natutulog. Malamang! Naka score nang limang beses! Oo lima, dahil magbago na daw ang isip nito at siningil pati ang interest! Kaya kahit lupaypay na siya sa sobrang pagod ay wala na siyang magawa. Nakalaklak yata nang sampung energy drink si Alvin dahil hindi man lang ito napagod

