Synopsis
Napalunok ang dalaga nang hawakan ng binata ang kaniyang baba. Nakasunod lamang ang tingin niya sa ginagawa nito. Bagamat may piring ang mga mata ay nasusundan niya ang galaw nito.
“How old are you?” tanong nito sa baritonong boses.
“T-Twenty-four,” mahinang sagot niya.
“And you’re a virgin,” he stated. Wala iyong himig ng pagtanong.
Tumango lamang siya bilang sagot.
“Why?”
Napalunok naman siya. Hindi niya inaasahan ang tanong nito.
“P-Po?”
“Bakit ka pumayag na makipagsiping sa ‘kin? By the looks of you, hindi ka naman kaladkaring babae,” wika nito.
Umupo naman ang binata sa couch at nakatikwas ang kilay habang nakatingin sa kaniya. Matagal bago nakasagot si Lolita.
“Dahil...dahil k-kailangan ko po ng pera,” sagot niya rito.
Tinitigan lamang siya nito nang mariin. Hindi niya alam kung ano ang ekspresiyon nito habang sinasabi niya iyon. Paniguradong ang baba ng tingin nito sa kaniya ngayon. Wala na siyang pakialam. Mas importante sa kaniya na maisalba ang buhay ng kapatid. Nababahala siya sa pagtahimik nito.
“What’s your name again?” tanong nito.
“Lolita...Lolita Rava,” sagot niya rito. Tumango naman ito at inalalayan siyang tumayo.
Kinakabahang sumunod naman siya. Pakiramdam niya ay may kung anong dumaang kilabot sa likuran niya dahil sa hawak nito.
“Undress yourself,” utos nito.
“Po?”
Hindi siya mapakali at sobrang gulat niya sa narinig mula rito.
“Hubarin mo ang suot mo,” ulit nito.
Kahit na alanganin at nagdadalawang-isip ay tiniis niya. Pagkatapos nito ay wala na. Mas matimbang ang buhay ng kaniyang kapatid kaysa hiya niya.
Maingat ang kilos na hinawakan niya ang strap ng kaniyang suot na skimpy dress na bigay sa kaniya kanina at kahit halos lumabas na ang puso niya sa kaba ay tinikis niya. Hinayaan niyang mahulog ang suot na damit at wala ni isang saplot na naiwan sa kaniyang katawan. Hantad na hantad ang kaniyang pribadong katawan.
Kahit na nahihiya ay tiniis niya at nakatingin lamang sa lalaking nakaupo sa kaniyang harapan. Ramdam niya ang titig nito kahit hindi niya nakikita dahil sa pagtaasan ng kaniyang balahibo sa katawan. Tanging ilaw mula sa malaking buwan sa labas ang nagsisilbing ilaw nilang dalawa. Kaharap niya ang isang binatang wala siyang kaalam-alam kung sino ito. Tanging boses lamang ng binata ang naririnig niya.
Guwapo at matangkad ito panigurado. Bagamat istrikto ang boses hindi maipagkakaila na may pera ito lalo pa at malaki ang in-offer sa kaniya. Maliban sa katotohanang binayaran siya nito nang malaking halaga kapalit ng isang gabi na kaagad niya ring tinanggap para lang maisalba ang kapatid niya sa bingit ng kamatayan.
“Undress me,” wika nito sa mababang boses.
Pakiramdam niya ay lalabas na ang kaniyang puso sa sobrang kaba. Maingat ang bawat hakbang na nilapitan niya ito at nanginginig pa siya. Nilapitan naman niya ang binatang nakaupo sa couch at nanginginig ang kamay na hinubad ang suot nitong puting long-sleeves. Maingat ang pagtanggal ng bawat butones. Tiningnan niya ito at kaagad na napaiwas dahil nakatitig pala ito sa kaniya. His stares were piercing through her soul kahit pa may manipis na telang nakabalot sa kaniyang mga mata. Napapikit siya nang maramdaman ang malaking kamay nitong hinawakan ang kaniyang leeg.
“Look at me,” sambit nito.
Nahigit niya ang kaniyang hininga nang mag-abot ang kanilang paningin. Ramdam niya ang malamig nitong hininga sa kaniyang mukha.
Ilang sandali pa nga ay sinakop nito ang kaniyang labi. Hindi siya makagalaw. She was too stunned to speak. Ang alam niya lang ay napakagaling nitong humalik na halos mawala siya sa kaniyang katinuan. Hinayaan niya lang ito sa gusto nitong gawin sa kaniya. She’s paid to pleasure him.