Nakangiting kinatok ni Callum ang pinto at kaaagd din naman silang pinagbuksan n tiya ni Loli. “Oh? Nandito pala kayo. Hindi man lang kayo nag-abiso, nakau talaga,” anito at kaaagd silang pinapasok. “Magandang hapon po, Tiya,” bati nila rito. Bumati naman ito sa kanila pabalik. “Kumusta naman kayo? Tara dito sa loob. Ling?” tawag nito sa ama niya. Ilang sandali pa ay pumasok ito. Mukhang galing sa likod bahay nila. “Papa,” ani Loli. Kagaad na nagpunas naman ng kamay ang ama niya at niyakap siya. “Aba’y malaki na ang aking apo ah,” anito habang nakatingin sa kaniyang tiyan. “Sa awa ng Diyos,” sagot niya rito. Umupo na sila sa sala at kaagad na nag-asikaso namna ag tiya niya n meryenda nila. “Naparito kayo? May problem aba? Kasal niyo na sa susunod na araw,” sambit n kaniyang ama.

