Busyng-busy na si Callum dahil inaasikaso nito ang nalalapit nilang kasal. Hindi na niya pinatulong si Loli sa ma lakad dahil ayaw niya itong mapagod. Lalo pa’t napapansin niyang parang nahihirapan ito sa pinagbubuntis. Kasama nito si Geng-Geng dahil nag-aasikaso rin ito kasama ang wedding coordinator at organizers. Isine-send na lang sa kaniya ang mga details at pinapapili siya. Si Geng-Geng naman ang tagatingin sa site. Nasa labas siya at nakaupo sa maliit na bench. Gusto niyang umupo roon dahil nasa silangan at may mga nakatanim ding bulaklak. Nakangiti siya habang haplos-haplos ang maumbok na niyang tiyan. Four months na ang kaniyang tiyan. Limang buwan na lang at manganganak na siya. Hindi niya pa rin masabi kay Callum ang sitwasyon niya. Patuloy siya sa pagpunta sa clinic ng doctor

