Nakaupo lamang si Lolita sa malaking waiting shade. Pumunta siya sa interview ng isang BPO company. Maghihintay pa siya ng tawag kung sakaling tanggap siya. Malayo ang kaniyang tingin at malalim ang iniisip. Hindi pa siya pinapatulog ng mga panaginip niya. Bumabalik lang naman sa kaniya ang araw na magkasama sila ng binata. Pilit niyang iwinawaglit iyon sa kaniyang isipan subalit parang wala namang planong kalimutan iyon ng organ niya. Huminga siya nang malalim at inayos ang kaniyang buhok nang may humintong kotse sa tapat niya. Bumaba ang windshield nu’n at mukha ni Derek na nakangiti ang bumungad sa kaniya. May kasama itong babae. Mukhang ito iyong nakita niya sa float parade nu’ng nakaraang linggo. kinunutan niya naman ito ng noo. “Sakay ka na, ihahatid ka namin,” wika nito. “Salama

