WE cuddled and made love for the rest of the day and into the night. Sinusulit ang bawat oras na magkasama na kaming muli. Para kaming mga halamang tigang na biglang nabuhay at lumago ang mga dahon at humitik ang mga bunga nang nadiligan ng isa’t-isa. Hindi ko alam kung ilang beses siyang naidlip dahi sa pagod at sarap at kung ilang beses ko rin siyang ginising para maramdaman muli ang langit. Hindi ko rin nabilang kung gaano kadalas naman siyang pumaibabaw dahil sa nakadadarang naming init. Ang alam ko lang, hindi ko na hahayaang mawala pa siya sa buhay ko. I would kill anyone that would take her away from me. Hindi na ko papayag na magdusa muli sa isang mala-impyernong mundo dahil wala ang asawa ko sa tabi ko. It was two am when she finally asked me to sleep. “I think I’m s

