UNCONDITIONAL love bang maituturing kahit na sinabi niyang mananatili lang siya sa tabi ko kung papayag ako sa gusto niya? Hindi ko alam. Basta isa lang ang sigurado ko, she’s mine and I won’t let her go. Kahit na magmukha pa ‘kong gago. I sighed as I stared at her sleeping form. Dahil sa nasira niyang kama ay inilipat namin ang manipis na kutson na gamit niya at ipinatong sa ibabaw ng sleeping bag. My gaze shifted to the purple scarf beside her pillow. Pagpapanggap na lang ba lagi ang maglalapit sa aming dalawa? Bago siya nakatulog ay may mahigpit siyang ipinakiusap. “Hindi ako pwedeng magpakilalang asawa mo. I’m dead to the world, Pierre. Hindi mo pwedeng ipamalita sa kahit na sino na buhay ako at kasama mo. Hindi pwede. Not to anyone.” Her voice sounded distant and c

