DAHIL sa pagpayag niya sa bagong kasunduan namin, ay hindi na gaanong naging mabigat ang pakiramdam ko. Nakuha ko nang lunurin ng tulog at pagkain ang mga agam-agam kung kaya ko bang mabuhay ng isang taon kasama ang lalaking nagsisisigaw ngayon sa labas ng pintuan. "Mou, tara na.” “Mou! Are you still getting ready?" Paano ko ba ipapaliwanag ang sitwasyon kay Pierre? “Wait lang!” Palakadlakad ako sa kwarto habang hawak ang dibdib. Nakataas ang kalahatan ng bagong kulay kong blonde na buhok sa isang bun at may ilang strand na sinadyang iwan sa gilid na pinagtiyagaan kong kulutin para magmukhang sopistikada ang ayos. Tapos na rin ang make-up ko at may pa-fake eyelashes pa para sa additional wow factor. Iyon ay kung makakalabas pa ‘ko ng kwarto para mapa-wow ko nga si

