MATAPOS ang gabi ng engagement party ay hindi na napatid ang pagiging maasikaso at sweet ni Pierre sa’kin. Kung ibang babae siguro ay mas mahuhulog na at hindi na mag-iisip pa ng negatibo. Hindi na ang nararamdaman naming dalawa ang issue rito. Kilala ko kung sino ako at hinding-hindi matatanggap ni Pierre ang tunay kong pagkatao. I had to do something to make sure that my heart will be safe and my life will be spared. “What do you mean by you can’t find her!?” Narinig ko ang malakas na sigaw ni Pierre mula sa loob ng kotseng pinagtataguan ko. Alam kong nagmumula sa kusina ang tinig na ‘yon dahil doon lang ang bukas na bintana sa buong kabahayan. Mula ito sa kusina kung saan nagpapaluto ako sa kanya ng ag

