LIMANG TAON na ang nakalipas mula nang pansamantalang iwan namin ang Rancho Saragoza at manirahan sa Singapore dahil sa mga kaguluhan noong binawi namin si Pasquale mula kay Nicolai. Lahat ng nangyari ay itinago namin sa media at kahit sa mga malalapit kong kaibigan. Inilihim namin ang lahat dahil gusto ko ring protektahan ang imahe ng aking ama at ng pamilya ng aking asawa. Abot langit ang pasasalamat namin na hindi napuruhan si Papa. He survived and is now living a new life. Noong fully recovered na si Papa ay halos every month ay lumilipad siya patunong Singapore upang makasama kami. Base sa imbestigasyon at sa mga tests na ginawa ng mga doktor, napatunayang mentally unstable si Nicolai. Kahit si Nikki ay hindi alam na may bipolar complex ang dating kaibigan at kapati
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


