Campus...

1161 Words
Deisy's POV "Deisy! ako Deisy!" "dance troup ako Deisy" "Deisy may screening bah?" "Kailan?" "Deisy paunahin mo ako oh!" Hayst! dinaman sila makapaghintay oh. "Hinay hinay lang mahina ang kalaban! Okay.." "Sabi ni Ms. Davis, ang club moderator ng dance troupe, mag screening daw this friday since 3:00 pm ang uwian n'yan 3:30 pm will be the screening..." I announced. Pupunta din sana ako kay Nico kaso he's also busy pano ba kasi sa sports siya ang maghahandle, kawawang panget....kaya pumunta nalang muna ako ng canteen... //Canteen// "Ate pabili choco mucho at nestea" "37.00 pesos neng" at binigay ko na ang bayad.. "Nestea at choco mucho ate" While I'm putting the change to my coin purse, napatingin ako syempre pareho kaming binili, e! baka makakasundo ko to hahahah...alam ko namang walang connect hahaha....nang tiningnan ko kung sino ang bumili nakatingin din pala siya sakin parang naghihintay na matapos akong mag lagay ng sukli saaking coin purse kasi dadaan siya.. naka ngiti naman siya ng tinitingnan ako mukhang friendly 'tong isang to ah pero masungit lang ang mukha, si transferee boy pala to. ngumiti din ako pabalik. "Ay sorry" Sabi niya, at saka kinuha ko na ang gamit ko at nag lakad na papuntang field... pero bago paman ako makalayo ay may tumawag sakin.. Zane's POV Ano bang bibilhin ko rito....habang nag-iisip ako kung anong bibilhin ko nakita ko future ko..ay este si Asterea(Deisy) bumibili kaya kung ano ang bibilhin niya 'yun din sakin hehe... "Nestea at choco mucho ate" napatingin naman si Asterea sa'kin..tinanggap ko na ang binili ko at tiningnan siya nang nakangiti, 'di kasi ako makadaan kasi nariyan siya pero ayaw ko namang umalis siya.... "Ay sorry" mukhang narealize na niya kaya kinuha na niya gamit n'ya at nag lakad na palayo. Sinundan ko siya, diko alam may sariling utak ata' tong mga paa ko at.. "Asterea!" pag tawag ko... I smirked when she turned to me. Lumapit na ako sakaniya. " 'Di ba classmate tayo?" and she nodded. "uhmm.. Pwedi ba akong pasama na ilibot 'tong campus?" pwedi namang ako lang pero maparaang gwapo ako, e. "Oo naman" and she smiled... Ilang sandali nag ring na ang bell hudyat na tapos na ang recess kaya.. "Sige, I guess... Mamaya nalang uwian" and she nodded at nag lakad na papuntang classroom, sumunod naman ako. Hindi ko naintindihan ang mga lesson dahil nag iisip ako kung ano ang magiging topic namin para 'di siya ma boring mamaya hahayst.... Deisy's POV *tiiiiingggg Nag bell nah hudyat na lunch break na... Nakakagutom naman kasi Mathematics ang last subject namin. Nagliligpit pa ako ng gamit ng may parang lumapit sakin, tumingala ako at nakita kong si Zane 'yon yung transferee... Nginitian ko siya, nakakapagtaka akala ko mamayang uwian pa kami lilibot ng campus? "Pwedi bang sumabay akong kumain sa'yo?" 'yun naman pala e. "Oo naman bakit hin-" na putol ng tinawag ako ni Nico. "Deisy bilis! Gutom na ako" sabi niya tsaka tiningnan si Zane. "Uh.. Nico si Zane pala sasabay daw siyang kakain sa'tin" "Sige ikaw bahala, bilis nah!" sagot niya naman atsaka nginitian ko si Zane.. Mabilis ko ng linigpit ang gamit ko at lumapit na kay Nico.. Sabay kaming tatlo nag lakad papuntang canteen. //Canteen// "Asterea anong-" Pinutol ni Nico ang sinsabi ni Zane. "Asterea? AHHAHAH second name pa nga!" Sabi naman ni Nico na siyang dahilan nang pagkakunot ng noo ni Zane, umirap lang ako kay Nico. "Why? may mali ba sa second name mo?" Zane. Nagpipigil naman ng Nico kaya siniko ko siya.. wala namang mali kasi don e, utak lang ni Nico meron. "Wala naman hayaan mo nalang 'yan si Nico, may sira 'yan sa ulo e" Zane's POV Kinabahan naman ako don baka kase ayaw niya tawagin sa second name.. "Ano gusto mo?" tanong ko kay Asterea pero si Nico ang sumagot. "Fried chicken sa'kin pati narin kayn Deisy" tsss 'diko naman tinatanong at pareho pa talaga sila..Tumango nalang ako at nginitian si Asterea ang tingin naman sakin ni Nico ay napakasama. Kung makakapatay lang ang tingin, kanina pa ako patay... Matapos kong bumili bumalik na'ko sa mesa namin at nadatnan ko silang nagtatawanan kaya walang pag alinlangan akong sumingit sa gitna nila at paglalagay ng lunch namin sa mesa. "ehem.... tabi kami ni Deisy" sabi nung pangit na Nico, tss.. 'di ko siya pinansin. "Deisy! palipatin mo nga ito,'di kita bibigyan ng chicken" Namilog naman ang mata ni Asterea at.. "uhmm..Zane dito kanalang sa kaliwa ko upo Zane" At ngumiti siya.. wala akong magawa, lumipat nalang ako.. ayos lang tabi din naman kami. Deisy's POV Pagkatapos na naming kumain sabay na kaming bumalik sa classroom. "Mamaya uwian ha?" sabi naman ni Zane. Tiningnan ako ni Nico ng nakakunot ang noo. "Bakit? Ano gagawin niyo?" "Mag papasama lang siya sa paglibot ng Campus." sagot ko. "Sama ako ha" sabi niya at tinanguan ko nalang. ***Pagkatapos ng klase Nagliligpit pa ako ng gamit at hinihintay ako ni Nico na matapos.."Pasensya na talaga ha? nakakhiya sa'yo pinaghintay pa kita" Ngumiti siya "okay lang" "Deisy, tumawag si papa mauna na ako ha..walang magbabantay ng kapatid ko, e" sabi ni Nico at tumingin kay Zane. "Pag may nangyaring masama kay Deisy, naku lagot ka" "Grabe ka naman ang pangit nung sinabi mo, gaya sa'yo" At umirap nalang ako. Nang umuwi na si Nico natapos ko na din ligpitin mga gamit ko. Tumingin ako kay Zane "Tara na?" tumango naman siya. //Garden// "Ito naman ang garden.. grabe noh napaka ganda ng mga bulaklak" sabi ko. "Oo nga...gaya mo" tiningnan ko siya then he chuckled. "I know right" at kinindatan ko siya kaya natawa kaming dalawa. Magaan naman pakiramdam ko sa kaniya, akala ko masungit siya.. 'di pala andami niyang biro kanina, nakakatuwa. Nang papunta kami sa field humangin, tiningnan ko si Zane hinahangin ang kaniyang buhok, napakagwapo naman nitong kasama ko. Umupo kami sa isa sa mga bech ng field "Ang ganda pala dito 'noh?" sabi niya. "Oo naman, kaya nga itong school na'to ang pinili ko,e" nilingon ko siya at nginitian. "Saan kapala nag-aaral noon?" tanong ko.. Curios ako, e. "Sa Switzerland" namilog naman mata ko!! Dream destination ko 'yon,e! "Talaga ba?! Alam mo ba? Dream destination ko 'yon!" Sabik na sabi ko. "Totoo?" Ngumiti naman siya. "Sa susunod punta ta'yo doon at ako naman magiging tour guide mo" he chuckled. "Sige ba" ngumiti ako, tiningnan ko ang kaniyang mga mata..napakaganda! kulay dark green na blue, basta ganon at mga pilok niya mahaba! mukhang mas mahaba pa sakin. "Picturan mo nalang kaya ako?" nang matauhan ako agad akong tumingin sa field.. nabalot kami ng katahimikan, nang mawala na ang hiya ko tiningnan ko siya at nakitang nakatingin sa may building at nakakunot nag noo...Ano kaya ang nakita niya?..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD