*Friday*
Deisy’s POV
Nagising ako sa alarm ko. Nag-pray muna ako, pagkatapos pumasok na sa CR. Pagkatapos kong magbihis kumain na’ko at ginawa ang iba pang morning routine.
“Manong tara napo” Sabi ko sa driver naming. Pagdating ko sa skwelahan tinap ko na ID ko at pumunta na ako sa tinatambayan namin, ng section namin kapag umaga pa…Nagulat ako nang nakita ko si Zane, mukhang napaaga ata siya ngayon.
“Hi Zane!” Bati ko.
“Hello Asterea! Tagal mo naman!” Sabi niya.
“Mukhang napaaga ka ata ngayon, ah!”
“Sapagkakaalam ko kasi maaga kang dumadating,e.”
“Ano naming konek d-“ Napatigil ako ng may umakbay sakin. Sisipain ko na sana, si Nico lang pala. “Uy ano ba Nico alisin mo nga kamay mo diyan” sabi ko naman.
“Bakit? Palagi ko naming ginagawa iyan, ah?” Oo nga naman bakit bah? “Bakit? Si Zane na ang pinapaakbay mo ngayon? Grabe ka naman De, magtatampo na ako sa’yo” Nagmamaktol na sabi na parang bata ni Nico.
“Tigilan mo nga ako. Nakakahiya naman kay Zane , oh”
“Kinakahiya mo na pala ako?” Umirap lang ako. “Ohy pare, anong ginawa niyo kahapon?”
“Nico parang si-“ Naputol ang pagsasalita ko nang sinagit ni Zane si Nico.
“Sinamahan lang naman niya akong libutin ang campus” Seryosong sabi niya.Tinaasan ko ng kilay si Nico. Promoceed nadin kami sa linya ng nag “good morning” na ang mag lelead ng morning praise, at pagkatapos nag start nadin ang klase.
//Lunch time//
Kalagitnaan ng pagliligpit ko ng gamit, lumapit si Zane. Alam ko na kung ano ang sasabihin niya kaya tumango nalang ako at ngumiti. Sabay nanaman kaming tatlong kumain pero si Nico parang batang naagawan ng candy, palaging binabantayan si Zane at dapat hindi kami magkadikit ni Zane. Nasiraan na ata ito ng ulo si Nico, sabihin ko nalang kay tita mamaya na ipa check-up ito.
“Anong sa’yo Asterea?” Tanong ni Zane.
“Same lang nung ni-order namin nung nakaraan” Sagot ni Nico. Asterea ba siya?
“Samahan na kita Zane” Sabi ko naman kay Zane.
“Hindi ‘wag na! Pogi points to sa’yo” Sabi niya sabay kindat. Umubo naman si Nico.
“Baliw” Sabi ko sabay tawa.... Hinayaan ko nalang siyang pumila do’n.
Nang makaalis na si Zane. “Hindi ‘weg neh! Pogi points te se’yo” Paggaya-gaya ni Nico kay Zane, kaya napatingin ako sakaniya at kinunutan ng noo. “Pogi points pogi points, hindi naman gwapo” Nawoworried na talaga ako kay Zane, anyare sa kaniya.
Nakangiting bumalik si Zane sa mesa namin at linapag ang pagkain. “Eto Asterea o, choco mucho.” Napangiti naman ako doon. “Alam ko kasing bibili ka mamay pagkatpos kumain. Kaya para hindi kana bumili, binilhan na kita” Nakangiting sabi ni Zane. Pagkatapos n’on, kumain na kami. Bumalik na din sa classroom ng nag rang na ang bell.
*3:00 pm
Hala! screening pala ngayon ng dance troupe! Kaylangan kong pumunta sa gym para tignan kung sino makakapasok! Hahayst malilimutin talaga ako. Kaya naman, dalidali kong linigpit ang gamit ko.
“Asterea? Sabay na tayo pumunta sa gym!” Sabi naman ni Zane sabay tulong sa’kin sa pagligpit. Nagtataka pa ako bakit pupunta siya ng gym akala ko sports siya? E, ngayon din ang sports. Kaya di sasabay si Nico sa’kin.
Mukhang narinig ata iyon ni NIco kaya napatingin siya sakin…”Hintayin mo ako mamaya ha!” Sabi naman niya sabay labas ng classroom….
Papunta pa akong locker para ilagay ang books ko naramdaman ata ni Zane na nabigatan ako kaya tinulungan niya ako…Ang locker ko ay nasa pinakataas at bilang isang babaeng di binayaan ng katangkaran nahihirapan akong iarrange at ipasok ang aking books.. kaya nagulat ako ng may kumuha ng libro ko habang linalagay ko sa loob ng locker, tiningnan ko kung sino ‘yon nakita kong si Zane, nakangiti. Nakaramdam agad ako ng init sa mukha dahil sobrang lapit niya sa mukha ko…kaya hinayaan ko nalang siya. Pagkatapos kong ligpitin gamit ko pumunta na ako sa gym.
//gymnasium//
“Comfort room muna ako Zane ha?” pagpapaalam ko para magbihis. Nagulat ako ng sumunod si Zane. “Zane? Sa’n ka pupunta?”
“Comfort room din, magbibihis.” Tumango nalang ako. Baka magbibihis para sa sports.
Pagkatapos kong magbihis marami ng students na mag s-screening. Nakita ko si Zane na hinihintay ako kaya linapitan ko siya. “Zane ‘di kaba pupunta sa field?”
“Pupunta ako sa field, because?” Sabi niya sabay tawa.
“Because… you’ll join sports?
Tanging kibit-balikat lang ang sagot niya.
****30 minutes later.
Nandito padin si Zane, watching other students performing. Mukhang wala ata itong balak pumunta sa sports ah.
“Okay next” Sambit ko pagkatapos nung isa. Nakatingin pa ako sa paper upang ilista ang pangalan nung sumayaw kanina. Nagulat ako ng nag tilian ang mga babae, kaya tinignan ko. Si…Zane, nakatingin. Anong ginagawa niya dyan? Bet ko panama mga dancer na boys..
“Name please” sabi ko.
“Zane Frejo” Sabi niya ng nakangiti, mukhang natuwa siya sa reaction ko,ah.
“Okay start” Sabi ko atsaka ngumiti sakniya. Ngumiti naman siya pabalik..
Napaawang ang baba ko nang sumayaw siya ng Intention (by Justin Bieber). Napaka ganda, so clean, kaya naman napatili ang iba. Uminit naman pisngi ko ng tumingin siya sakin habang sumsayaw. Grabe, he reached my standardz, o na sakaniya lahat na nagugustuhan ko sa isang lalaki lalo nana magaling siyang sumayaw. Crush ko na ata siya? Crush lang naman, e.
“Okay, enough” sambit ko. Kaya huminto naman siya sa pagsayaw at lumapit papunta sakin. “Grabe, galing mo!” ngumiti lang siya…
Zane’s POV
“Akala ko mag babasketball ka. Tangkad mo kasi” Sabi niya ng sabay kaming naglalakad palabas ng gym.
“Hindi naman ah”
“Sus, deny pa!” Sabay tawa niya. “Alam mo? Gusto ko yung mga lalaking magaling sumayaw! HAHAH..Nakakatuwa kasi”
“Ayaw mo sa basketball player?”
Umiling siya. “Ayaw…mayabang. Maypsabi sabi pa silang “Pag na shoot ko to bagay tayo!” tapos ‘di masho-shoot” Sabi niya sabay tawa.
Napahinto kami ng nakita nanamin si Nico. “Ansaya tignan ah.” Sabi niya sabay tingin sa’kin. Tsss…akala niya diko nahalat? May gusto siya sa BESTFRIEND niya..Songs bro bestfriend zone.