NAPAGPASYAHAN nina King Duncan at Athena na isara nang tuluyan ang batis ng katotohanan upang hindi na ito mapuntahan pa ng kahit sinong nilalang. Mananatili na lang ito sa lugar kung saan naroon ang diyos upang ito na ang mag-alaga habang si Athena naman ay pinili ang buhay na kasama ang hari ng Chantra Kingdom. Bumalik sila ng kaharian upang ayusin ang mga bagay tungkol sa kanilang dalawa. Nakipagpulong na rin ang hari sa mga tauhan nito tungkol sa nalalapit nilang kasal ng babaeng iniibig nito. “Alam niyo ba na ikakasal na ang hari,” wika ng isang ale sa palengke sa labas ng Chantra. “Talaga ba? Sino naman itong maswerteng babaeng iniibig ng ating hari?” tanong naman ng isang ale na kausap nito. “Balita ko ay isang napakagandang babae na dating sorceress ng hari. Tingnan mo nga na

