Natigilan si Athena habang nakatitig siya sa malinaw na tubig ng batis. Hindi siya maaaring magkamali sa narinig niya na boses iyon ng binatang prinsipe o hari na ngayon ng Chantra Kingdom. Mula nang isakrispiyo niya ang kaniyang buhay, pinagbigyan siya ng diyos ng Fistchantra ngunit mananatili lamang siya sa loob ng mahiwagang lugar na iyon bilang kapalit. Makakalaya lamang siya oras na dumating na ang itinakdang panahon. Ang kakayahan niya bilang sorceress ay nawala na rin. Marahan siyang lumingon dito at nang sandaling magtama ang kanilang mga paningin, isang matinding emosyon ang namuo sa pagitan nilang dalawa. “Athena…” muling sambit ni King Duncan sa pangalan niya. Marahan din itong naglakad patungo sa kaniyang gawi. Hindi rin ito kumurap dahil tila nais nitong makasiguro na totoo a

