“Kakayanin ko!” Napatingin sila ni Master Luyang kay Athena nang naroon na ito sa kanilang gawi. Hindi niya talaga naiz ang ideya na iyon kaya hindi siya sumasang-ayon. Ayaw niya at kahit anong pilit niyang isipin na huwag tanggapin iyon, wala rin siyang naiisip na ibang paraan. “Hindi tayo magtatagumpay sa laban nating ito kung hindi natin ito susubukan. Magtiwala ka sa akin, Prince Duncan.” “Athena...” Napangiwi siya dahil sa may masakit na sa katawan niya ngunit hindi niya iniinda iyon. Lumapit siya sa dalaga. “Hindi ako makakapayag sa ideya ni Master Luyang. Alam mo ang nangyari noon at hindi ko kakayanin na mangyari pa ulit ito. Makakaisip pa tayo ng ibang paraan,” paliwanag niya. “Hindi mo naiintindihan, Prince Duncan. Ang pag-inom ng tubig sa batis ng katotohanan lalo na at gina

