Nagising si Prince Duncan nang masakit na ang tama ng sikat ng araw niya sa mukha. Marahan siyang nagmulat ng kaniyang mga mata saka bumaling sa malaking bintanang tumagos doon ang sikat ng haring araw. Unti-unti muna niyang pinapakiramdaman ang sarili at ang nasa paligid niya. Inikot pa niya ang mga mata sa paligid upang malaman niya kung nasaan siya at kung ano ang nangyari. Ang huli lang niyang natatandaan ay ang laban nila ni Marcus Lucius. “N-Nasaan ako?” tanong niya sa sarili. Maya-maya lang ay marahan siyang bumangon. Napuna niya ang malambot na kama na kaniyang hinihigaan. Is this my…room? Napakunot ang noo niya. Hindi pa rin nag-sync in sa utak niya ang mga nagaganap. “Gising na pala kayo, mahal na prinsipe.” Napasulyap siya sa lalaking nagsalitang iyon sabay muling kumunot ang

