Isang madilim at mabahong piitan ang kinaroroonan ni Duncan. Walang higaan at kung ano pa maliban sa upuan. Tanging tubig lamang ang kaniyang tiniis na inumin kahit pa alam niyang hindi ito galing sa malinis. Kailangan niyang magpakatatag upang malagpasan niya ang lahat. Hindi rin siya nakatulog sa kakaisip sa kaniyang mga magulang at hindi man lang niya nasilayan ang bangkay ng mga ito. Maya-maya lang sa kaniyang pag-iisip, dumating ang mga kawal.
“Gising! Tumayo ka riyan, lumpo!” sambit ng maangas na kawal.
Siya naman ay tahimik lang na tumayo may saklay habang binubuksan ng mga kawal ang pintuan ng piitan. Kasama ng dalawang kawal ang isang lalaking tila tulisan. Maangas ang dating nito na maraming tattoo sa katawan. Matipuno ang bisig at halatang batak na batak sa pakikidigma. Ngumisi pa ito habang humihithit ng sigarilyo sabay buga nito sa kaniyang harapan. Umiwas naman siya dahil hindi siya sanay na makalanghap ng usok ng sigarilyo.
“Ikaw pala ang prinsipe ng kahariang ito. Tingnan mo nga naman ang tadhana. Hindi ka bagay na maging prinsipe kung ganyan ang ayos mong pilay ka. Sige, dalhin siya. Huhusgahan na siya ng kaniyang mga nasasakupan,” utos nito sa mga kawal.
Hinawakan naman siya ng dalawang kawal saka inalalayang makalakad. Dinala siya ng mga ito sa isang bahaging alam niyang makikita siya ng buong nasasakupan nila. Pagdating naman nila sa bulwagan, hindi nga siya nagkamali. Kitang-kita niya ang mga taong naroon sa kaniyang harapan sa bulwagan.
Lumapit si Marcus sa kaniyang gawi. “Tingnan niyo naman ang inyong prinsipe. Ang mamamatay na prinsipe ay nahuli na rin sa wakas. Ano ba ang parusa ang maaari nating ipataw sa kaniyang pagpatay sa kaniyang mga magulang?” sigaw ni Marcus sa madla.
“Kamatayan!” sigaw ng mga karamihan.
“Tama! Kamatayan lang ang kaparusahan sa pagpatay niya sa hari at reyna.” Bumaling ito sa mga kawal. “Huwag niyo ng pahirapan ang prinsipe. Patayin niyo na iyan,” utos ni Marcus sa mga kawal nito saka ito tumalikod.
Pumikit na lamang siya at hinintay ang sandaling bawiin ng diyos ang kaniyang buhay. Wala na rin silbi ang mabuhay pa siya dahil kinuha na rin ang kaniyang mga magulang. Siguro nga, ito ang kapalaran ko. Narinig niya ang paghugot ng isang kawal ng espada at hinintay na lang niyang tumama ito sa kaniyang katawan ngunit maya-maya lang ay bigla siyang napamulat ng mata nang narinig niyang tumumba ang kawal. Sinulyapan niya ito at bigla na lang naging kulay puti ang mga mata nito. Bumalot sa buong kapaligiran ang makapal at maputing usok. Nagulat at natakot ang mga naroon na kahit ang mga tauhan ni Marcus ay nagtaka rin.
“Anong nangyayari?!” sigaw ng isa sa mga tauhan ni Marcus.
“Ang hari! Protektahan ang hari!” sigaw naman ng isa.
Nagkagulo na ang paligid niya dahil sa makapag na talaga ang usok hanggang sa wala na siyang nakita. Nakikiramdam lang siya sa paligid hanggang sa may biglang humawak sa kaniya. Hindi na niya maintindihan kung ano ang nangyari dahil tila dumaan siya sa isang mahika.
“Huh?!” Nagulat na lang siya nang muli siyang magmulat ng kaniyang mga mata. Naroon siya sa isang bahay na pamilyar sa kaniya. Nasulyapan din niya ang kabayong ginamit niya nang tumungo siya ng palasyo nila.
“Mabuti naman at nakabalik ka na,” sambit sa kaniya ni Master Luyang.
“M-Master Luyang! Paanong⸻”
“Mabuti na lang at tinulungan ako ng isang matalik na kaibigan upang makuha kita mula sa mga kamay ni Marcus. Napakatigas talaga ng ulo mo, Duncan! Sinabihan na kitang huwag munang tumungo sa iyong kaharian at nanganganib ang iyong buhay!” Pinagalitan tuloy siya nito habang nanggagalaiti ito sa ginawa niya.
“Kasalanan ko na at inaamin ko na ang pagkakamali ko. Pero hindi mo maialis sa isipan ko ang mag-alala at ngayon nalaman ko na pinatay ng hayop na Marcus na iyon ang mga magulang ko!” Hayun na naman ang emosyon niyang hindi makapaniwala sa nangyari sa kaniyang mga magulang.
“Alam ko! Nararamdaman ko ang kasawian mo dahil minsan na rin akong nawalan ng mahal sa buhay. Pero hindi ibig sabihin nito na maaari ka ng malugmok diyan sa emosyon mo. Sa padalos-dalos ng iyong desisyon, pati ang mahiwagang kabayo ko ay dinamay mo pa!”
“Ipagpatawad niyo, Master Luyang. Sa ngayon, isa lang ang nais ko. Gusto kong turuan mo akong maging malakas. Turuan mo ako sa mahikang alam mo upang maipaghiganti ko ang aking mga magulang.”
“Hindi! Hindi ko ginagamit ang aking mahika upang makapaghiganti ka lang. Maaari kitang tulungan sa paraan na alam ko kung bukal sa kalooban mo ito at hindi paghihigati ang pakay mo.”
“Kasama na rin sa mga dapat kung gawin bukod sa mabawi ko ang aking kaharian. Ano ba ang dapat?”
“Kaharian mo lang ba ang dapat mong mabawi? Hindi mo nakikita ang mga tauhan niyong ginawang alipin ng mga kawal ni Marcus? Iyan ang dapat mong isaalang-alang, Duncan. Kapag handa ka ay saka mo ulit sabihin sa akin iyan at hingin.” Muli itong tumalikod at pumasok sa loob ng bahay nito.
Napabuntong-hininga na lang siya saka siya napasulyap sa kabayong naroon malapit sa kaniya. kailangan mo na niyang ayusin ang lahat sa sarili niya at magpahinga muna. Masyado na siyang lugmok sa damdamin lalo na ngayon sa sitwasyon niyang isa siyang lumpo. Sumunod na lamang siya kay Master Luyang sa loob ng bahay at mag-isip ng mga dapat niyang gawin.
ISANG ARAW, gamit ang wheelchair na ibinigay ni Master Luyang sa kaniya, nagtungo siya sa kagubatan upang mangahoy. Nagsisilbi na lamang siya sa bahay ni Master Luyang at tumutulong sa gawain na kahit papaano ay makabawi man lang siya sa ginawa nito. Nangunguha siya ng paggatong upang may magamit sa pagluto. Natuto na rin siya sa mga gawaing bahay na dapat ay hindi naman talaga niya ginagawa. Natutuwa rin naman siya na kahit papaano ay naiibsan ang pighati ng kaniyang damdamin. Habang namumulot siya ng panggatong, tila may naramdaman siyang nilalang sa kaniyang likuran. Marahan niyang inikot ang kaniyang wheelchair dito saka niya nakita ang isang malaking halimaw na naglalaway at may malalaking pangil. Uhaw ito sa dugo ng isang tao habang may mapupulang mga mata at mahahabang pangil. Hindi niya maaaring patakbuhin ang kaniyang wheelchair dahil maaabutan lang din siya nito. Naisip niya ang hawak niyang itak at kahoy oras na sumugod ito sa kaniya. He will fight for his life and the courage showed up when he remembered his parents again.
Mata sa mata!
Ngipin sa ngipin!
Buo ang loob niyang labanan ito dahil iyon na lang din ang tanging natitira niyang paraan. Sumugod naman sa kaniya ang halimaw hanggang sa nakipagbuno siya rito. Naroon pa na naalis siya sa kaniyang kinauupuan at bumagsak sa lupa. Ang mabagsik na halimaw ay dadambahan na siya habang siya ay duguan na rin at nanginginig ang mga paa. But there’s something came into his mind. May bumulong sa kaniyang isang boses ng lalaki.
Use your fist to fight!
He doesn’t know where that voice came from and he’s in the middle of forest with a ferocious beast. But he used his fist to fight the beast without knowing that he could do it with his amazing strength. Sa huling pakikipagbuno niya rito, isang malakas na suntok sa kamao ang pinakawalan niya hanggang sa napatay niya ang halimaw. Isang bagay iyon na hindi niya lubos akalaing matatalo niya ito na kamuntik na rin siyang lapain. Napatitig na lamang siya sa mga kamao niyang dama niya ang mainit na enerhiya. Anong klaseng kapangyarihan ito? M-May ganito akong kakayahan? Labis ang pagtataka ni Duncan sa nangyari sa kaniyang pakikipaglaban sa halimaw saka niya muling kinuha ang itak at mga gagawing panggatong. Minaniobra na rin niya ang wheelchair na maayos pa naman nang matumba siya mula roon.
At nasaksihan iyon ng pantas na si Master Luyang sa hindi kalayuan niya.
Pagkauwi niya ay agad siyang sinalubong ni Master Luyang. Nais sana niyang ikuwento ang nangyari sa kaniya ngunit naunahan na siya nito.
“Nasaksihan ko ang nangyari sa iyo sa kagubatan. Kahanga-hanga ang lakas na ipinamalas mo. Dahil diyan, panahon na siguro upang turuan kita sa paraang alam ko. Hindi na dapat natin sayangin pa ang oras na malaman mo ang totoo mong kakayahan, Prince Duncan.”
“Anong ibig sabihin nito, Master Luyang? May kakayahan ba ako na hindi alam ng mga magulang ko?” takang tanong niya.
“Malalaman natin iyan kung ikaw nga ba ang itinakda.”
“Itinakda ng ano?”
“Kapalaran, mahal na prinsipe. Sige, ipasok muna iyang mga gagawin nating panggatong at tuturuan kita sa mga alam ko.”
Tumango na lang siya kay Master Luyang saka niya ipinasok sa loob ang mga dala-dala niyang panggatong. Pagbalik naman niya ay naghihintay na si Master Luyang sa likuran ng bahay nito. Pinalapit siya nito roon saka siya tinulungang makaupo sa mahabang kahoy na upuan.
“Alam mo, nasa katauhan mo ang isang magiting na mandirigma noon. Hindi mo lang ito masyadong nakikita sa iyong sarili dahil marami kang takot sa sarili lalo na riyan sa kapansanan mo. Duncan, alam mo ba ang isang kwento tungkol sa bulag na ibon?”
“The Blind Hawk?”
“Oo. Bulag siya at walang kakayanang makakita sa paligid niya ngunit ginagamit naman niya ang kaniyang ibang senses. Noong may isang ahas na unti-unting lumalapit sa kaniya, nakiramdam na siya ngunit nagkuwanri lang itong nanunuka sa paligid upang makahanap ng pagkain. Nang sandaling naroon na ang ahas sa kaniyang paligid, agad siyang lumipad. Katulad mo, kahit may kapansanan ka pa, hindi ito hadlang upang maipagtanggol mo ang iyong sarili mula sa kalaban. Pumikit ka at damhin mo ang enerhiya ng paligid.”
Pumikit siya. Huminga siya nang malalim upang payapa niyang maramdaman ang enerhiya ng paligid. Kahit hindi niya natutunan ang pisikal na pakikipaglaban, may mga libro naman siyang binabasa at ginagaya sa tuwing kailangan niya ng meditation.
“Ganyan nga, Duncan. Alam kong alam mo ang tungkol sa meditation. Ang pagmumuni-muni ay isang kasanayan kung saan ang isang indibidwal ay gumagamit ng isang pamamaraan - tulad ng pag-iisip, o pagtutuon ng isip sa isang partikular na bagay, pag-iisip, o aktibidad - upang sanayin ang atensyon at kamalayan, at makamit ang isang malinaw at emosyonal na kalmado at matatag na estado. Mararamdaman mo sa state ng meditation ang hangin, ang lupa, ang apoy, ang tubig at iba pang mga element. Sa ganitong paraan ay makikilala mo ang tunay na enerhiyang yayakap sa katauhan at pag-iisip mo.”
Tama siya. Ang lahat ng mga natutunan niya sa mga aklat ay akma sa mga sinasabi ni Master Luyang. Napapanahon na talagang dapat ay matutunan ko ang mga ito kung sakaling totoo man ang sinasabi nitong isa akong dating mandirigma. Nagpatuloy lamang siya sa pag-concentrate habang nagsasalita si Master Luyang.
“Pakinggan mo ang mga naririnig sa paligid, iyan ang mga bagay na dapat mong iwasan minsan. Minsan ay nagdadala rin iyan ng destraksiyon sa sarili subalit nagdadala rin ito ng babala sa paligid. Imulat muna ang iyong mga mata, Duncan.”
Sumunod naman siya sa iniutos nitong imulat ang kaniyang mga mata. Nakapaalwan sa pakiramdam niyang kahit papaano ay nakapag-meditate siya sa ganitong klaseng kapaligiran na malapit sa kalikasan. Ngayon niya na-appreciate ang pagsasanay sa kaisipan sa tulong ng isang estrangherong master na katulad ni Master Luyang.
“Ang susunod naman nating gawin ay ang pagsasanay sa pisikal na lakas. Hindi ito magiging madali sa iyo lalo na ngayon hindi ka makakakilos nang maayos. Subalit may mga paraan ako upang hindi ka agad magapi ng iyong kalaban basta alam mo lang pag-aralan ang bawat kilos nila at kung saan patungo ang kanilang mga atake sa iyo.”
“Isa nga iyan sa problema ko, Master Luyang. Isa sa mga dahilan na hindi ako humahawak ng espada dahil sa kapansanan ko. Iniisip ko na magiging sagabal lang ako sa mga kawal na pino-protektahan ako dahil isa akong mahinang nilalang.”
“Hindi ka mahinang nilalang, Duncan. Nasa isip mo lang ang pagiging mahina pero dito…” Itinuro nito ang puso niya. “Isa kang magiting na mandirigma. Tandaan mo, nasa katauhan mo ang pagiging mandirigma.”