Chapter 6 - Nahuli si Prince Duncan

2092 Words
Makalipas ang ilang araw, habang wala roon si Master Luyang, naisip ni Duncan ang tumakas dito. Kailangan muna niyang malaman ang kalagayan ng kanilang kaharian mula sa pamumuno ni Marcus. Lumabas siya gamit ang saklay na ibinigay nito at nakita ang isang puting kabayo. nagpumilit siyang naglakad papalapit sa kabayo upang magamit niya. Kahit papaano ay alam niya ang gamitin ang kabayo ngunit hirap na hirap siya ngayon dahil walang aalalay sa kaniyang makasakay dito. Nang makalapit na siya sa kabayo, hinimas muna niya ito at matantiya na hindi nga ba ito masungit o nasa tamang mode lang. Madalas ang mga kabayo ay may sarili rin mode sa mga taong nasa paligid nila. Hindi naman umalma ang kabayo sa kaniya kaya naisip niyang ayos lang na gamitin niya ito. Maya-maya lang ay nagulat na lang siyang biglang lumuhod ang kabayong puti sa harapan niya upang makasampa siya roon. Anong⸻ Good Boy! Naisip na lang niyang isa itong kabayong nasa maayos ang training dahil alam nito ang kalagayan niya. Ang mga hayop katulad ng aso, pusa at iba pa ay may kakayahang malaman ang kondisyon ng isang tao. May mga senses ito na mas doble pa kaysa kaalaman ng isang tao. Kaya naman ay maswerte si Duncan dahil magagamit niya ang kabayo iyong upang tumungo sa Chantra Kingdom. Sumampa si Duncan sa kabayo na walang kahirap-hirap. Inilagay din niya sa gilid niya ang kaniyang saklay upang magamit pa niya sa kaniyang pagbaba. Maya-maya lang ay tumayo na ang kabayo saka naman niya ito muling hinimas. Nice one! Maya-maya lang ay minaniobra na niya ang kabayo papaalis sa bahay ni Master Luyang. Lingid sa kaalaman ni Duncan, naramdaman ni Master Luyang ang kaniyang pag-alis gamit ang kabayo. Kaya naman ay nag-atubili rin itong umaalis at bumalik sa kaniyang dinadaanan upang sundan si Prince Duncan.   MALAYO ang nilakbay ni Prince Duncan mula sa bahay ni Master Luyang. Hindi niya gaanong kabisado ang lugar ngunit pinipilit niyang gamitin ang kaniyang instinct hanggang sa umabot nga siya sa border. Nagkataon naman na alam niya ang lihim na daraanan sa borders dahil isa siya sa mga nagplano noon na siya lang ang nakakaalam at ang kaniyang ama. Well, maliban sa mga gumawa ng lihim na daraanan sa borders. Pagkadating niya sa lihim na daraanan na iyon, tama nga ang hinala niyang walang mga tao roon. Walang nagbabantay doon kaya malaya siyang makapaglakad at ang kaniyang kabayo. Ang paligid niyon ay natatabunang ng malalaking halaman at makakapal nitong dahin na lagpas tao. Talagang hindi malalaman ng mga naroon na may isang daanan sa gitna niyon. Isa pa, may pader sa bawat pagitan kaya hindi talaga iyon mahahalata. Ang pintuan naman niyon ay natakpan naman ng mga halaman din kaya safe siya. Kahit sa mataas na bahagi ay hindi rin halata dahil tinabunan din ito ng mga halaman din. Pagdating niya sa dulo, kailangan na niyang bumaba sa kaniyang kabayo. Tila naramdaman na naman ng kabayo na gusto niyang bumaba kaya lumuhod ito. “Thanks, buddy.” Muli niyang hinimas ang kabayo pagkatapos niyang bumaba at may saklay na rin na sumuporta sa kaniya upang makalakad siya kahit papaano. Iniwan ni Duncan ang kaniyang kabayo roon saka siya muling pamasok sa pinto. Isinuot din niya ang kaniyang mask sa bibig at nagtalukbong ng hood ng suot nito upang hindi siya makilala ng mga naroroon. Mabuti na lang at hindi lang siya ang may kapansanan doon kaya hindi rin siya mapagkamalan ng mga ito. Habang pinagmamasdan niya ang buong kaharian, kakaiba na ito sa dati. Naroon ang pagmamaltrato ng mga tauhan ni Marcus na dati rin nilang mga tauhan. Tama nga si Master Luyang na nasa ilalim na ito ng kapangyarihan nito. “Bilisan niyo ang mga trabaho! Huwag kayong magpabagal-bagal!” sigaw ng isa sa mga leader ng mga kawal. Kitang-kita ni Duncan ang mga alipin doon na nagtatrabaho para sa bagong rebultong tinatapos nito. Ang rebulto na kawangis ng mukha ni Marcus. Marcus! Napakuyom ang kamao niya habang nakikita ang paghihirap ng karamihan sa kanilang mamamayan na ngayon ay hawak na ng mga tauhan ni Marcus. Muling nagpatuloy si Duncan na tumungo pa sa pinakaloob ng palasyo na hindi namamalayan ng iilan. Minsan din siyang nagmamatyag at nagiging alerto dahil maraming mga nakapaligid doon na dati nilang mga kawal. Dumaan siya sa sekretong daan kung saan tagusan ito ng mga iba’t ibang silid sa ilalim ng kanilang palasyo. Kailangan niyang matumbok ang kinaroroonan ng kaniyang mga magulang. “Sino ka?!” Bahagyang natigilan si Duncan nang makita siya ng isang lalaking isa sa mga kusinero sa kaharian. Si Jidan. Halos kasing-edad lang niya ang binata at halos kasabay niya itong lumaki. Nagulat din siya kung paano nito nalaman ang sekretong lagusan na iyon na tanging sila lamang na royal family ang nakakaalam. Bahagya niyang ibinaba ang kaniyang hood at ang kaniyang mascara. “Ako ito,” sambit niya sa lalaki. Nanlaki ang mga mata nito nang makita siya. “P-Prince Duncan!” “Sssshhh!” Inilagay niya ang kaniyang daliri sa bibig upang tumahimik ito at huwag sumigaw. “B-Buhay kayo?” “Oo. Buhay ako. Bakit? May sinabi ba si Marcus na patay na ako?” “Masaklap ang nangyari dito sa Chantra, mahal na prinsipe. Dapat hindi na kayo rito nagpakita pa dahil mas lalo lang malalagay ang buhay niyo sa alanganin. Pati ang pinakamamahal kong si Lucila ay dinamay nila,” mangiyak-ngiyak nitong tugon. “Anong ibig mong sabihin?” “Kayo ang pinagbibintangan ni Marcus na pumatay sa mga magulang mo.” “Ano?!” Nagulat siya. “Patay na ang mga magulang ko?!” Biglang sumiklab ang labis na kaba sa kaniyang dibdib at hindi maintindihang emosyon. “Sino ang pumatay sa kanila? Si Marcus?” “Ang alam ng mga malapit sa iyong mga magulang ay dinala sila sa isang lugar sa malayo at sa pagbalik ay malamig na bangkay na kasama si Lucila at ang iba pa. Ipinalabas ni Marcus na pinatay mo sila upang makuha mo raw ang trono. Gusto mo raw pamunuan ang lahat ngunit alam namin na hindi mo iyon gagawin.” Napasandal siya sa pader. “Hindi…” Nanlumo siya. Wala na ang kaniyang mga magulang at ngayon siya pa ang pinagbibintangan ni Marcus. Napahampas siya sa pader at sobrang galit niya sa sarili. “Mahal na prinsipe, umalis na kayo. Hindi kayo dapat makita ni Marcus dito. Nagiging marahas na siya sa mga dating tauhan niyo kaya kung makita ka ay baka ikaw na ang isusunod sa iyong mga magulang,” muling sambit ni Jidan. Humugot siya nang malalim na hininga. “Paano mo nalaman ang sekretong lagusan na ito?” “Itinuro ito sa akin ni Jefferson. Nagmanman siya rito at nakita ko siya kaya lang ay hindi rin siya nagtagal dahil pati siya ay hinahanap din ng mga tauhan ni Marcus,” tugon nito. “B-Buhay si Jefferson?” “Oo. Buhay siya. Siya mismo ang nagsabi sa akin kung ano ang nangyari sa inyo habang sinusundan kayo ng mga tulisan.” “Si General Apollo? Buhay din ba siya?” “Hindi raw niya alam kung buhay ang heneral dahil nagkahiwa-hiwalay na sila nang mahulog kayo sa bangin. Hindi nga niya nalaman kung paano siya nakarating sa itaas na bahagi na hindi man lang nasugatan.” “Si Master Luyang.” Naisip niyang may kinalaman si Maste Luyang sa nangyari kay Jefferson at kay General Apollo. “S-Sige. Kailangan ko na rin talagang umalis. Nasaan nila ibinurol ang aking mga magulang?” “Hindi ko rin alam, mahal na prinsipe.” Napabuntong-hininga na naman siya. “Aalis na ako.” “Mag-ingat kayo, Prince Duncan.” Tinapik lang niya sa balikat si Jidan saka siya naglakad pabalik sa kaniyang dinadaanan. Tila dinurog ang puso niya nang malaman na wala na ang kaniyang mga magulang. Labis din ang kaniyang pagkamuhi kay Marcus at abot na hanggang sukdulan ang pagiging masama nito. Huli na ang lahat para makita pa niya ang mga ito at kaya pala naramdaman niyang mabigat sa dibdib niya ang iwanan ang palasyo. Noon pa niya naisip na nakaplano na ang lahat mula sa kaniyang pag-alis at ang pagbilog sa ulo ng kaniyang ama. Labis-labis ang lahat ng pighating idinulot ng masamang balita sa kaniya. Naalala niya ang matamis na ngiti ng kaniyang ama at ina noong siya ay bata at habang kasama niya ito sa paglaki. Sinisi pa niya ang sarili na sana ay hindi na lang ulit siya pumayag sa mga kagustuhan nito. Subalit naisip din niyang dapat ay noon pa siya natutong mag-aral ng self-defense. Kahit papaano ay maipagtanggol man lang niya ang kaharian laban sa mga katulad ni Marcus. “Saan ka pupunta, mahal na prinsipe?” Nagulat si Duncan nang biglang lumitaw sa harapan niya si Marcus. “Marcus…” Bahagya itong ngumiti. “Mabuti na lang at mabait itong kusinero mo kaya ka niya isinuplong sa akin.” Sabay napasulyap ito kay Jidan. “P-Patawad , mahal na prinsipe. Papatayin nila ako.” Bakas sa mukha nito ang takot nang mahuli ito ng dalawang tauhan ni Marcus. “See? Hindi ka talaga mahal ng mga tauhan mo, lumpong prinsipe. Dalhin siya at ikulong!” utos nito sa mga tauhan. Agad naman hinuli si Duncan sa mga tauhan ni Marcus. Nagiging kawawa talaga siya sa mga kamay ng mga ito dahil hindi man lang niya kayang ipagtanggol ang kaniyang sarili. Muli rin siyang namumuhi kay Marcus dahil sa nakita niya ang tunay nitong ugali at gusto niyang mamatay ito sa kaniyang kamay ngunit hindi iyon madali. Dinala nga siya ng mga tauhan nito sa piitan upang ikulong. “Bagay sa iyo ang piitan na iyan, mahal na prinsipe. Ihanda mo na ang iyong sarili bukas dahil iyon na rin ang paghahatol sa iyo ng buong Chantra. Kawawa ka naman at hindi mo na nakapiling ang iyong mga magulang,” asar na sambit ni Marcus sa kaniya. “Marcus! Pagbabayaran mo ito! Traydor ka sa kahariang ito at wala kang karapatan kunin ang hindi mo pag-aari!” galit niyang wika rito. “Hindi ko pagmamay-ari? Akin na ngayon ang lahat ng mga naiwan ng iyong mga magulang at ikaw na walang silbing prinsipe, mamamatay ka na rin sa mga kamay ko. Bukas na bukas din ay makikita nang buong Chantra ang kanilang prinsipe. Makikita nila na ang katulad mong mamamatay tao ay dapat na rin parusahan!” Isang nakakalokong ngiti ang ibinigay nito sa kaniya bago nito nilisan ang lugar. “Marcus! Pagbabayaran mo ito! Lumaban ka ng patas, Marcus!” sigaw niya. Hinahampas din niya ang rehas na bakal kung saan siya nakakulong subalit wala na sa paligid niya si Marcus. Sumpain ka! Muling napaupo si Duncan sa isang upuang naroon habang iniisip niya ang lahat. Naisip niyang tama rin si Master Luyang na may posibilidad siyang papatayin ni Marcus kung sakaling mahuli siya nito. Sa pagiging padalos-dalos niya, iyon ang nagiging resulta.        Sa malayong bahagi ng Chantra kingdom, nakipagkita si Master Luyang sa hindi kilalang nilalang. Isa itong babeng halos kulay asul ang kasuotan, may mascara na kulay asul din at hood sa ulo. May hawak itong scepter na ginagamit sa mahika at halatang isa itong sorceress. “Nagtungo ang prinsipe sa Chantra Kingdom at binalaan ko na siyang huwag bumalik doon. Ayon sa akin source, nahuli na siya ng mga tauhan ni Marcus. Napakatigas talaga ng ulo niya,” sambit ni Master Luyang. “Hindi na ako magtataka sa mga katulad niyang prinsipe na matigas ang ulo kahit na may kapansanan,” sambit ng babae. “Kailangan natin siyang tulungan bago pa man siya patayin ni Marcus. Inaasahan ko pagkatapos na mailigtas natin siya ay susunod na siya sa kagustuhan natin na magsanay. Kaunting panahon na lang ang nalalabi at muling mabubuhay na sa katauhan ni Marcus ang dating marahas na si Metto Mettalic. Hindi na dapat siya muling mabuhay pa at baka ito na talaga ang katapusan ng buong Fistchantra World.” “Hindi ko talaga maintindihan kung bakit ang mga katulad pa niya ang naisipan mabuhay sa katauhan ng dating mandirigmang si Arthur. Wala sa kakayahan ng lampang prinsipe na iyon ang ipagtanggol ang kaniyang mga nasasakupan kahit pa biniyayaan siya ng matipuno at makisig na kaanyuan. Isa pa rin siyang mahinang nilalang para sa akin, kaya huwag siyang masyadong magmataas sa sarili niya.” “Tama ka. Sa ngayon, tumungo na tayo sa Chantra bago pa mahuli ang lahat.” Tumango lang ang babae saka sila biglang nawala. Tutulungan nila si Prince Duncan na makaligtas sa kinaroroonan nito mula sa kamay ni Marcus. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD