STEPHEN'S POV “CONGRATULATIONS ANAK, you did an amazing job.” Nakangiti pa akong yinakap ni Dad nang matapos ang graduation ceremony namin nila Chase at Owen. “Thank you, dad.” Nakangiti kong sagot at gumanti din ng yakap sa kanya. “Eh yung hug ko? Nasaan na?” Nakangusong tanong ni Mom kaya siya naman ang yinakap ko. “We're so proud of you, anak. Nagvideocall ang kuya mo kanina kaya napanuod niya pa rin yung speech mo.” “Bakit kanina siya tumawag? Dapat ngayon para magkausap kami,” nakanguso kong reklamo. “May schedule daw kasi siya na operation,” paliwanag ni mom. Isa kasing neurologists si kuya sa isang ospital sa US kaya naman wala siya dito sa Korea. “Ibibigay daw niya yung regalo niya sayo kapag nagkita na kayo.” “Ang dami na niyang utang sa akin,” biro ko pa. “Presideeeee

