CHAPTER 1
Kwon Jihyoung's POV
“Yah! Jihyoung, bakit ba ayaw mong sumabay na lang sa amin?” Nakasimangot na tanong ni Oerabeoni (Older Brother) sa akin kaya binalingan ko sila ni Kuya dear na nakatingin din pala sa akin habang nakakagat sa piraso ng hotdog.
“Kasi po mga kuya, ang babagal niyong kumilos. First day of school ko kaya dapat maaga ako, diba?” Katwiran ko habang inaayos ang pagkakasuot ng backpack ko. Kanina pa kasi ako natapos kumain at gayak na para pumasok sa school. Samantalang itong dalawa kong kuya, ngayon pa lang kakain at mukhang hindi pa mga naliligo.
“Hindi mo pa nga kabisado ang mga kalsada dito, e.” paalala sa akin ni Kuya Dear kaya itinaas ko ang aking mobile phone at iwinagayway pa iyon sa harap ng kanyang mukha.
“Google Maps? Saka, sasabay naman ako sa inyo pauwi. Bukas sa inyo na ako sasabay basta agahan niyo ang kilos. Arache?”
“Hyongie, are you sure you'll be fine?”
“Mother dear naman, nagawa ko ngang bumyahe papunta dito nang mag-isa mula China, diba? Of course I'll be fine. Wag ka nang mag-worry, okay?” Humalik ako sa kanyang pisngi bago balingan ang aking ama na busy sa pagbabasa ng newspaper. “Appa, mauna na po ako.”
“Arasso, Hyongie. Pasensya ka na kung di ka naman masasamahan sa school.”
“Sus! Maliit na bagay, Appa!” sagot ko at yumakap pa sa kanya. “Anyeong!”
Isa-isa ko ring hinalikan sa pisngi ang dalawa kong kuya bago tuluyang lumabas ng bahay namin.
Breathe in. Breathe out.
Totoo na 'to. Nandito na talaga ako kasama ang pamilya ko. Five years old ako nung unang beses na lumipad sila appa at mother dear pauwi dito sa Seoul kasama ang aking mga kuya habang naiwanan naman ako sa China sa pangangalaga ng aking mahal na lola. Hindi kasi boto ang pamilya ni mother dear kay Appa dahil hindi siya Chinese.
Ewan ko ba, asian din naman si Appa pero masyadong mahigpit sina lola. Hindi mo rin naman masasabi na dahil sa may anak na si Appa sa una nitong asawa kasi ganoon din naman si mother dear. Baka sadyang natatakot lang si lola na mabyuda na naman ng maaga si mother kaya siya ganoon.
Medyo magulo ang family tree namin but to make it understandable, si Henry Eorabeoni ay anak ni Appa. Si Brother dear Grayson naman anak ni Mother dear. Ako naman yung nag-iisang anak nila Appa at Mother dear. They are both single parents when they marry each other at ako ang naging bunga.
Since hindi magkasundo ang parents ko at yung side nila lola, napilitan sila Appa na umuwi ng Seoul. Gustuhin man nila na isama ako, hindi nila magawa. Sabik kasi sa babaeng apo ang lola kaya naman umaasa sila mother dear na ako yung magiging tulay para magkasundo na ang lahat. But it took them another thirteen years bago pa nila napalambot ang puso ng matanda.
And that's why ngayon lang din ako nakauwi dito sa Seoul kasama nila. Growing up kasi parang ang hirap din sa akin na malayo sa mga magulang ko pero mas mahirap namang iwanan si lola. She's old na kasi. And besides, kailangan ko na talaga makapiling ang mga magulang at mga kuya ko. There is something that I need to do with them. Hangga't may panahon pa.
“Uy, bago ka dito?” Nakangiting tanong sa akin ng isang babae. She has this big smile in her face kaya naman kahit stranger siya ay nginitian ko na rin siya.
What? She's too friendly to ignore, okay?
“Dae. I'm Jihyoung.” Nakipag-shakehands pa ako sa kanya. Nakasuot din siya ng uniform na suot ko at same color din ang landyard na nakasabit sa kanyang leeg.
“I'm Minsuel. Anong section ka?” tanong ulit niya.
Binasa ko naman ang aking ID, “II-A?”
“Ay perfect! Classmates tayo!” Tumalon pa siya habang pumapalakpak. “Ate Chanyoung! Look, may bago na akong friend.”
Hindi ko alam kung ano ang ire-react sa kanya. Masyado kasi siyang hyper.
“Well done, Minsuel.” sagot naman nung babaeng tinawag niyang Ate Chanyoung. Nakangiti pa itong lumapit sa amin at nag-alok ng kanyang kamay. “Hi! I'm Chanyoung. Ikaw siguro yung sinasabi nilang transferee from China.”
“Ako nga, hehe.” Tumatango ko pang sagot. “Classmate ka rin namin?”
Nakangiting sagot ang itinugon niya sa akin. “E, bakit nakatambay kayo dito sa gate?”
“Maaga pa naman, e. Saka, hinihintay pa namin si Ate Jihan. Ang bagal kasi parang tortoise.” ani Minsuel pagkatapos ay humagikgik pa.
“Ya! Bad Minsuel. Porque wala si Ate Jihan, inaaway mo na, a?”
“Andwae! Joki joki lang.” Nag-peace sign pa si Minsuel kaya sabay kaming natawa ni Chanyoung.
“Mauna na nga pala ako. May orientation pa ako bago makapasok sa klase e. Bye~” Nakangiti konh paalam bago nagmamadaling nag-hanap ng teacher's faculty kung saan ko imi-meet yung class adviser ko.
Huminga ako nang malalim bago kumatok at tuluyang pumasok sa loob. “Good Morning!” Nag-bow pa ako sa harap niya at saka ngumiti.
“You must be Ms. Kwon, right? Pasok. Maupos ka muna at may tinatapos lang akong pirmahan.” Tumango ako at pinagmasdan ang napakagandang babae na nasa harap ko. “Pasensya ka na, ha? Deadline kasi ng mga ito ngayon, e.”
“Okay lang po, hehe.” Tumango pa ako bago naupo sa isang designated chair na nasa tapat ng table niya.
“Himala at hindi ka hinatid ng mga kuya mo? Excited na excited ang dalawang iyon sa pagpasok mo dito.”
“Ang bagal po kasi nilang kumilos kaya iniwanan ko na.” sagot ko ulit at simpleng napangiti dahil naalala ko na naman ang mga itsura nila nang sinabi kong mauna na ako sa pagpasok. “Behave naman po ba sila kuya dito?”
“Paanong behave ba ang tinatanong mo?” Natatawa niyang tanong kaya napasimangot ako. “Well, mababait naman ang mga kuya mo. Pero hindi naman mawawala ang pagiging pilyo nila. Lalo na si Henry.” Naiiling pa na sagot nito.
Totoo. May pagka-hyper din talaga si Eorabeoni e. Tapos si brother dear naman nasa loob ang kulo. Tapos ako naman, pinagsamang Henry at Grayson yung ugali.
“Teacher Yoon~”
Hindi naman teacher yoon ang pangalan ko pero maging ako ay napatingin sa mga bagong dating na students. Ang iingay kasi nila.
“Oh, What are you guys doing here?” tanong ni ma'am.
“Nagtext si Henry-Hyung. Nandito na daw yung kapatid nila. Gusto namin siyang makita!” Excited na sagot ng isang lalaki na may matambok na pisngi. Nakanguso pa siya kaya naman pinigilan ko ang sarili ko na pisilin ang kanyang pisngi.
“At talagang sumugod pa kayo dito, a?” Natatawang sagot ni ma'am.
“Himala at di niyo kasama ang kapatid ko?”
“Tinatamad daw siya, Noona. Kilala mo naman si Chase.” natatawang sagot naman nung isang lalaki na may makapal na pilikmata. 'Ang cute lang. Mas mahaba pa yung eyelash nya sa akin.' “So, is it her? Siya ba yung kapatid nila Grayson at Henry?”
“Dae. Kwon Jihyoung, sila nga pala yung mga kaibigan ng mga kuya mo.”
Isa isa ko silang tiningnan at nag-umpisang bumilang.
“All of you? Hindi ko alam na friendly pala sila Kuya.” Nakangiti kong sagot at tumayo saglit bago nagbigay ng 90° bow sa harap nila. “I'm Kwon Jihyoung. Please to meet you all.”
“Finally! Nakita ka na rin namin. Akala namin imbento ka lang nung dalawa, e.” biro nung isa kaya ngumiti lang ako bilang sagot.
“Oh, nakita niyo na si Jihyoung. Magsilayas na kayo at baka ma-late kayo sa mga klase niyo.” Pagtataboy pa ni teacher Yoon sa kanila. “Tigilan niyo yung estudyante ko.” Nakangiti pa silang hinatid ni teacher Yoon sa pintuan at isa-isang ginulo ang kanilang mga buhok. “Pasensya ka na sa mga iyon. Mga isip bata kasi sila.” Humagikgik pa ito bago bumalik sa kanyang upuan. “Saglit na lang 'to.” aniya at pumirma na ulit.
Mayamaya pa, malakas niyang ibinagsak sa ibabaw ng desk niya ang isang makapal na folder.
“All done na. Let's go?”
Matipid naman akong ngumiti at sumunod na nga sa kanya.
MATAPOS kaming mag-libot ss loob lang din siguro ng kulang isang oras. Malaki ang buong campus pero yung mga pinuntahan namin ni Teacher Yoon ay yung mga basic locations ng mga facilities tulad ng Gymnasium, Cafeteria, Library, at Theatre room. Itinuro din nya sa akin kung nasaan ang ilang offices sa school like Principal's office, Registrar, Cashier at Clinic. Ang sabi pa nya, bahala na daw akong mag-explore sa iba pang mga facilities dito sa school.
After that short tour, tumuloy na kami sa classroom ko. Tamang-tama naman dahil malapit nang magstart ang firt subject which is si teacher Yoon ang magtuturo sa amin.
“Good morning, Class!” Nakangiti niyang bati sa lahat. “Kasama ko na ang bago niyong classmate. She's from China at umaasa ako na tutulungan niyo siya na makapag-adjust dito sa bago niyang school. Maliwanag ba?”
“Dae!!” malakas na sigaw ng mga classmate ko kaya naman humakbang na ako papasok.
“Ms. Kwon, kindly introduce yourself.”
“Hi! I'm Kwon Jihyoung. I'm pleased to meet you all.” Yumuko pa ako at nagpalakpakan naman ang buong klase.
“Jihyoung! Dito, o? May bakanteng upuan dito!” Malakas na sigaw ni Chanyoung. Kaya ngumiti ako sa kanya at saka lumapit. “Si ate Jihan nga pala. Siya yung hinihintay namin sa gate kanina.” Pagpapakilala niya sa isang babae na nakaupo sa tabi niya.
“Hi!” Namumula nitong bati kaya ngumiti ako kahit sa totoo lang, natatakot ako na baka bigla na lang siyang sumabog.
"Ah, siya yung parang tortoise kumilos?" Inosente kong tanong dahilan para masamid si Minsuel.
"Tortoise?" Nagtatakang tanong ni ate Jihan.
"Hehe. Joki joki lang 'yon. Wala lang 'yon!" Mabilis na tanggi ni Minsuel kaya natawa ako. "So iyon nga, Ate Jihan, this is Jihyoung. Na-meet namin siya kanina sa gate."
“Dito ka na lang sa tabi ko, Jihyoung!” Inayos pa ni Minsuel ang katabi niyang silya kaya naupo na ako roon. “Exciting! May bago kaming friend. Hihi.”
“Uy, Jihyoung… Wag kang maku-culture shock sa amin, a? Maingay lang kami pero we're nice person naman.”
“Don't worry, sanay naman ako sa maingay.” Ngumiti pa ulit ako sa kanila at nag-umpisa nang kuhanin ang notebook ko. “Sa bahay nga puro kaingayan ang naririnig ko e. Ang lakas kasi ng bunganga nila Orabeoni. Saka maingay din ako kaya wag kayong mag-alala.” bulong ko pa.
“Chanyoung, Jihan at Minsuel. Ang aga-aga, daldalan na naman kayo nang daldalan. Mga batang 'to.” umiiling pa nitong saway sa tatlong kaya napakagat ako sa lower lip ko para pigilan ang matawa.
“Paghihiwalayin ko na kayo ng upuan kapag di pa rin kayo nanahimik.”
“Yah! Andweyo! Mianheyo!” sabay na sagot nung tatlo na para ba silang member ng choir.
“Kre~ balik na tayo sa lesson natin. Kayong tatlo, tumahimik na kayo, tatampalin ko na talaga kayo,” nakangiting biro pa ni teacher Yoon kaya napatingin ako kay Minsuel.
“Ang bait naman ni teacher Yoon?”
“Sanay na kasi siya. Hihi.”
Tumango pa ako at nag-umpisa nang magsulat ng notes. Hindi naman ako masyadong nangapa sa lessons since halos pareho lang nung nasa China pa ako. Ang masasabi kong struggle ko is yung sa language barrier. Marunong naman akong mag-hangul, kaya lang hindi naman iyon yung kinalakihan ko.
Mukhang kailangan kong kumuha ng extra lessons para di na ako mahirapan, a?