CHAPTER 2
JIHYOUNG'S POV
“Ate Jihyoung! Anong gusto mong food? Ako na ang pipila para sayo,” ani Minsuel kaya napailing ako sa kanya. Napag-alaman kasi namin na mas matanda ako sa kanya kaya hindi na ako tinigilan sa kaka-ate Jihyoung niya.
“Nukaba? May paa naman ako. Sabay na tayong pumila.” Nakangiti kong tugon sa kanya bago siya akbayan.
“Aigoo! ang aming maknae line. Ang su-sweet! Halika na nga kayo, baka maubusan pa tayo ng pagkain.” Natatawa pa kaming hinila ni Ate Jihan.
“Ya! Wait for me!” sigaw naman ni Chanyoung. Bigla bigla na lang kasing humihinto na akala mong nakakita ng artista.
Naka-pila na kami nang may maramdaman akong malambot na palad na bigla na lang tumakip sa dalawa kong mata.
“Ya! I'm not playing with you! Stop!” singhal ko pero I received no response. “Wen Grayson! Ya!”
Humagikgik naman ang damuho kong kuya. Well siya lang naman kasi ang mahilig magtakip ng mga mata ko.
“Hyongie, anong kakainin mo for lunch?” malambing niyang tanong at lumingkis pa sa tagiliran ko.
Sadyang sweet yang si brother dear.
Sanay na nga ako sa pagiging touchy ng mokong na 'to e. Pero kung sanay na ako, mukhang yung tatlo ko namang kasama ang na-shock sa amin. Kulang na lang kasi mamulot ako ng panga sa sahig.
“Hmmn, ewan ko pa. Mag-isa ka yata?” tanong ko at sumilip sa likuran niya.
“Ang bagal ni Henry, e. Sabay ka na sa amin.”
“Hindi pwede. May kasabay na ako.”
“Wae? Sino? Bakit? Kailan pa?” sunod sunod niyang tanong.
“Kasama ko yung mga new friends ko. Sina ate Jihan, Chanyoung at si Minseul.” Isa-isa ko pang tinuro yung tatlo na mukhang nasa state of shock pa rin.
“Ya! Ya! Ya!” sabay sabay kaming napatalon nang dahil sa gulat nang dahil sa malakas na sigaw ng isa ko pang kuya. Kadarating lang niya at talaga namang nagawa niyang agawin ang atensyon ng lahat. “Wen Grayson! Bakit sinosolo mo si Jihyoung?”
“Ang bagal mo kaya.” nakangusong sagot ni brother dear kaya natawa ako.
“Tara na Jihyoung, kain na tayo.” pag-aaya ni eorabeoni pero umiling ako sa kanya.
“May kasabay na ako. Kung gusto niyo sumabay kayo sa amin but I'm not leaving my friends. Okay?”
“Aray naman. Nag-english ka na naman. Alam mo namang english is dangerous, e.” reklamo ni brother dear kaya natawa ako.
“Bahala na nga kayong dalawa. Basta doon kami pupuwesto,” sagot ko at itinuro pa yung bakanteng table. Naiorder napala kasi ako ni ate Jihan, ang sweet diba? Hihi.
“You can share the table with us, annyeong!” Kumaway pa ako sa kanilang dalawa bago senyasan sina Minsuel na sumunod sa akin.
“Ya! Ate Jihyoung, bakit kakilala mo yung dalawang 'yon? Alam naming Chinese si Wen Grayson pero masyado namang malaki ang populasyon ng China para maging magkakilala kayo.”
“Take note, di lang basta magkakilala. Mukhang ang close niyo sa isa't-isa. Kahit si Jagiya ko, close din sayo? How to be you po?” tanong naman ni Chanyoung.
“E? Jagiya?”
‘Girlfriend ba siya ni Oeraboeni?’
“Ah, molla! Sagutin mo na lang yung tanong ko. How to be you po?” seryoso ulit na tanong ni Chanyoung kaya sandali akong nag-isip.
“Okay, ganito. Bumalik ka sa matres ng nanay mo tapos pasok ka sa matres ng nanay ko.”
“Ha?/Paano ulit?” sabay na tanong ni Minsuel at Chanyoung habang si Ate Jihan, nakatanaw lang sa amin.
“Ang slow niyo naman. Sabi mo, how to be you po, diba? Well, that's the only way. Dapat ikaw yung kalabasan ng pinagsamang sperm cell at egg cell ng parents ko.”
“Ay puchaiseo, bakit nauwi tayo sa science? Reproductive system to be exact?” namumulang tanong ni Ate Jihan kaya natawa ulit ako.
“Pa-share ng table!” masiglang sigaw ni Oeraboeni dahilan upang magulantang si Chanyoung. Para pa siyang na-estatwa nang sa tabi niya mismo naupo ni Oeraboeni. “Uy, Jihyoung. Ang kaonti naman ng serving ng pagkain mo? Damihan mo ang kain!”
“Oo nga! Ito, oh? Sayo na lang itong orange ko. Favorite mo 'to, diba?” si brother dear naman na pumpwesto ng upo sa gilid ni ate Jihan.
“Hindi, a? Apple kaya ang favorite ni Jihyoung!”
“Orange!”
“Apple!”
“Orange!”
“Apple!”
“Hep! Enough na. Paborito ko naman pareho ang orange at apple kaya akin na pareho yan at wag lang kayong magtalo. Nakakahiya sa mga new friends ko.” Nakanguso kong awat sa kanila.
“Mianhe,” sabay nilang sagot at napayuko pa.
Minsan talaga parang mas bata pa sa akin ang dalawang ito.
“Uy! Henry, Grayson? Bakit d'yan kayo nakaupo?” tanong ng isang lalaki mula sa likuran ko yata napalingon ako. Isa siya sa mga nagpunta sa teacher's faculty kanina.
“Dito muna kami kay Hyongie sasabay.” sagot ni brother dear muli akong napalingon sa lalaki sa likuran ko.
“Tsk. May meeting tayo ngayon, diba?” paalala nito sa kanila kaya binalingan ko na sila Kuya.
“Okay lang,” nakangiti kong pahayag. May kasabay naman ako e. “Baka importante yung pag-uusapan niyo. Ppali!” sinenyasan ko pa sila na magsitayo na. “Bilisan niyo na. Kanina pa kami hindi makakain, e. Kita na lang tayo mamayang uwian.”
Sabay namang napakamot sa ulo ang dalawa kong kuya bago dalhin ang kanya kanya nilang tray.
Huminto pa sila sa tapat ko at magkasunurang humalik sa noo ko.
Akala mo namang twelve years na naman kaming mawawalay sa isa't-isa.
“Sheeet talaga, Jihyoung. Di ko kinaya 'yon! Bakit may pa-kiss pa sa noo? Jusko, ang jagiya ko! New friend kita kaya mas masakit na ang sweet sweet niya sayo. Otteoke?”
“Sweet? Diba normal naman yung ganoon?” nakanguso kong tanong pero laking gulat ko nang tapunan nila ng masamang tingin. “Waeyo? I mean sa magkakapatid, diba?”
“KAPATID?!” sigaw nila in unison, with matching tayo at dabog pa sa lamesa.
“Oo! Kapatid! Diba nga, half brothers ko sina oeraboni at brother?” sagot ko pero hindi pa rin nababago ang kanilang mga hilatsa ng mukha nila.
“Nuba? Di ba kayo na-inform?”
“Wait lang. Shut up ka muna, Jihyoung. Hindi pa nagsi-sink in sa utak ko, e.” ani Chanyoung kaya naman hindi ko malaman kung paanong magre-react. “May kapatid na babae si Jagiya? Bakit hindi ko alam? I mean, alam ko na pala. Pero bakit ngayon lang? Otteoke? Anong klaseng Jagiya ako?”
“Is she always like this?” bulong ko kay ate Jihan na nauna nang naupo habang naka-standing ovation pa rin yung dalawa.
“Hindi naman. Pero kapag tungkol kay Kwon Soonyoung, palagi siyang nagkakaganyan. Two years na kasi niyang crush ang kuya mo.”
“Heol! Daebak?? Two years?”
Nakanganga kong tanong. “That's very consistent, my dear.” natatawa kong komento.
“Hay nako, decided na ngang mag-madre yang si ate Chanyoung kapag hindi si Soonyoung ang mapapangasawa niya e.” ani Minsuel na naupo na nga rin.
“Ay grabe siya,” sagot ko at tiningnan si Chanyoung. Seryoso siyang nag-iisip kaya hinila ko na siya paupo. “Don't worry, wala namang naku-kwento sila kuya na may jowa na si oeraboeni kaya ngayon pa lang, binibigay ko na sayo ang blessings ko.” Natatawa kong bulong sa tainga niya.
“Jinja?! Taragesh! Keneleg eke!” pigil na pigil yung kilig niya habang nakalingkis sa braso ko. Ang cute cute niya, ang sarap iuwi sa bahay.
“Kumain na nga tayo! Baka abutan tayo ng bell,” ani ate Jihan kaya natatawa naman kaming tumango at nag-umpisa na ngang kumain.