CHAPTER 3
JIHYOUNG'S POV
“Eh? Nahihiya ako! Wag na lang kaya, Jihyoung?”
Huminto ako sa pagkalalakad at hinarap ang magaling kong kaibigan na kung kailan last minute saka magbabago ang isip. Kurutin ko na kaya ito?
“Nakakainis naman 'to, e. Plantsado na lahat, e. Bakit na naman ba kasi?” Nakanguso kong tanong.
“Nahihiya kasi ako kay Jagiya, e.” bulong niya at yumuko pa. “Baka sabihin niya, feeling close ako sayo.”
“Sus! Close naman talaga tayo, a? Matutuwa pa nga yun kasi tinutulungan mo ako sa lessons, e.” Paliwanag ko bago hawakan ang kamay ni Chanyoung at pilit iyong inikot sa braso ko. “I seriously need someone who will teach me, okay?”
I had this brilliant idea. Since bago ako sa school, I asked Chanyoung na turuan ako sa ilang lessons namin. It was like a win-win situation. Matututo na ako, may chance pa na mapalapit si Chanyoung kay Oeraboeni. Hihihi.
Nakakatuwa kasi yung dedication ni Chanyoung sa paghanga niya sa kuya ko kaya bet ba bet ko siya, e.
“Nandoon din kasi yung kapatid ko. Ayun, o?” aniya at inginuso pa ang grupo nila kuya.
“Jusmio naman, Chanyoung. Sino kaya sa kanila? Ang dami kaya nila!” reklamo ko pa.
“Ayun! Yung bumabangka kasama ng Jagiya ko.” Pilit kong tinanaw kung sino yung tinuturo ng nguso niya pero masyado silang marami at lahat naman sila ang iingay, e.
“Ah, molla! Tara na nga kasi, Chanyoung! Ayon na nga sila Oeraboeni, o? Kanina pa sila naghihintay. Saka ano naman kung nandoon yung kapatid mo? Edi mas okay! Personal kitang maipagpapaalam sa kanya. Diba?” sabi ko pa habang hinihila siya papalapit sa mga kapatid ko. “Oeraboeni! Brother dear!” Malakas kong sigaw upang kuhanin ang kanilang atensyon. Busy kasi sila sa pakikipagkwentuhan sa sandamakdmak nilang mga kaibigan.
“Hyongie!” Kumaway pa sa akin si Kuya Grayson at sinalubong na kami. Parang nasa airport lang ang drama namin. “Hi, Hyongie's friend.”
Ngumiti pa siya bago umakbay sa akin kaya napagitnaan nila ako ni Chanyoung. “You're David's noona, right?”
“Dae.” Tumango pa si Chanyoung.
David pala pangalan ng brother niya.
Hindi ko naman mawari kung sino sa mga tropa nila kuya yung David, wala naman kasi akong makitang kamukha ni Chanyoung.
Nang makarating kami sa pwesto nila Oeraboeni, kaagad siyang natahimik. Mukhang siya ang bumabangka sa kwentuhan nila, e.
“Oh, Noona? Sasabay ka ba sa'kin? May pupuntahan pa kami ni Thomas, e.” Nakangusong tanong nung isang lalaking may matambok na pisngi habang nakatingin kay Chanyoung. Isa sya don sa mga nagpunta sa Faculty kanina.
“Hi! You must be David, right? Chanyoung's brother.” I even offered my hand to him pero mukhang nagulat siya sa akin. “I'm Jihyoung. Classmate ako ni Chanyoung. Hiramin ko muna sana siya over dinner. Is it okay?”
“Huh?” anito na tila nahihiya pang abutin ang kamay ko dahil bigla itong pinamulahan ng pisngi.
Binawi ko na ang kamay ko dahil mangangalay ako at lahat pero mukhang wala siyang balak na makipag-shakehands sa akin, e.
“Ahm, sige lang po.”
“Really? That's great! Thanks!” Ngumiti pa ako sa kanya bago balingan ang dalawa kong kuya. “Mga kuya, sa bahay magdi-dinner si Chanyoung. She's helping me with my assignments and previous lessons.”
“Ikaw talaga Jihyoung, inabala mo pa yung kaibigan mo.” ani Kuya Henry bago tumingin kay Chanyoung.
“Noona? Si Minsuel?” tanong nung isang lalaki na aakalin mong buhay na statue. Shocks! Bakit ang gwapo gwapo niya? Sabagay, wala naman akong nakikitang pangit sa mga kaibigan nila kuya.
“Nauna nang umuwi. Ang sabi mo daw may lakad ka, kasama mo pala itong si David.”
“Wait, kilala mo si Minsuel?”
“Ay oo. Bebe, siya yung kambal ni Minsuel.”
“What? Kambal kayo? Jinja?” Sigaw ko at napakapit pa ako nang mahigpit sa braso ni Chanyoung. Nae-excite kasi ako sa idea na kakambal ni Minsuel itong gwapong lalaki na nasa harap ko.
“A-aray ko, bebe. Masakit.” Reklamo ni Chanyoung kaya napabitaw ako sa kanya sabay hagod sa braso niya.
“Hala, mianheyo, Chanyoung!” Yumakap pa ako sa kanya.
“Hina-harassed ka ba ni Jihyoung.” Maging ako ay nagulat nang dahil sa tanong ni Kuya Henry pero mas mawindang ako nang akbayan pa niya si Chanyoung.
“Aniyo,” namumulang sagot ni Chanyoung. Kinikilig na naman ang gaga!
“Ang landi talaga ng ate ko,” mahinang bulong ni David at mukhang ako lang din naman ang nakarinig dahil walang ibang nag-react.
“Ang formal naman sumagot nito.” si Kuya Henry habang kumakamot pa sa kanyang batok.
“Gurang ka na kasi,” bulong ko kaya nagtawanan yung ibang kaibigan nila. “Kidding!” Nagpeace sign pa ako kaya natawa na rin si oeraboni.
“Uwi na nga tayo. Nagugutom na ako, e.”
“Gusto mo, kumain muna tayo?” alok ni Kuya Grayson pero umiling ako.
“Sa bahay na lang. Tinext ko si Mother dear, nagluto daw siya ng meryenda. Bilisan na natin, gusto ko nang matikman yung luto ni mother dear.” Excited ko pang ikinembot ang pwet ko.
“Mukha kang tuta.” Natatawang puna ni Kuya Henry at ginulo pa ang buhok ko. “Guys, mauna na kami. Gutom na daw itong alaga namin, e.”
“Sige, bukas na lang,” sagot nung lalaki na parang leader nila. Siya din yung tumawag kila kuya kanina noong kumakain kami ng lunch e. “Henry, yung bilin ko sayo, wag mong kakalimutan.”
“Arasso, leader-nim. Anyeong!” Kumaway pa si Kuya Henry at nauna nang naglakad paalis.
“Bye guys!” si Kuya Grayson.
“Bye boys!” sigaw ko at ginaya pa ang tono ni Kuya Grayson.
“Kilala mo na kaagad sila?” tanong ni Chanyoung kaya umiling ako. “Ang friendly, a?”
“Barkada naman nila Kuya yung mga 'yon.” Paliwanag ko at muling lumingkis kay Chanyoung. “Excited na ako, Chanyoung!”
“Saan na naman ba?” tanong nito kaya mas hinigpitan ko ang yakap sa braso niya.
“Sa love story niyo ni Oerabeoni!”
“Jihyoung!” saway niya sa akin sa takot na marinig nila Kuya pero tinawanan ko lang siya. “Tatampalin na kita!”
“Joke joke lang naman.” Malakas pa akong tumawa kaya sabay na napahinto ang mga kuya ko at saka lumingon sa amin.
“Ano 'yon? Bakit ka tumatawa?” tanong ni Eorabeoni habang nakapa-meywang pa sa harap ko.
“Pinagtatawanan mo kami, no?”
“Hala siya? Assuming lang? Nag-aadik?” sagot ko at muling tumawa. “Wag kang matu-turn off sa kanya, ha?” bulong ko kay Chanyoung kaya bigla siyang napahagikhik.
“Ang hyper mo naman yata ngayon, Hyongie?” nakangiting tanong ni kuya Grayson at inakbayan pa ako. “Anong ganap?”
“Wala lang. At baka nakakalimutan niyo, kapatid niyo kaya ako. Kanino naman kaya ako magmamana, edi sa inyong dalawa!” paliwanag ko.
“Talino talaga sumagot nitong baby girl namin, e. Manang mana sa akin!” si Kuya Henry at nag-effort pa na pisilin ang magkabila kong pisngi. “Hoy, Grayson! Wag ka nang umakbay kay Jihyoung, naiinggit ako.”
“Edi umakbay ka rin,” bulong ni kuya Grayson.
“Oo nga! Umakbay ka rin! D'yan ka sa kabilang side, o? Akbay ka rin kay Chanyoung.” Nakangisi kong suhestiyon dahilan upang biglang mamula ang magaling kong kaibigan.
“Ayoko nga! Baka mailang yung kaibigan mo,” sagot ni Kuya Henry kaya mahina kong siniko si Chanyoung. “Baka isipin niya, feeling close ako, e.”
“H-hindi! A-ayos lang sa akin,” nauutal na sagot ni Chanyoung.
“Jinja?” Biglang nagliwanag ang mukha ni Kuya at nagmamadaling umakbay kay Chanyoung. “Edi close na tayo? Friends na?”
“H-ha? Oo naman! B-bakit hindi?”
‘Jusko~ kinikilig ako para sa kaibigan ko.’
“Oh! Si Appa!” sigaw ko at kumawala pa sa pagkaka-akbay ni kuya Grayson. Iniwanan ko na rin si Chanyoung, hayaan ko muna siyang kiligin. Hindi ako pwedeng magkamali, e. Si Appa talaga yung lalaking nasa parking. Nasa likuran din niya yung van namin. “Appa! What brings you here? Diba may work ka pa?”
“Maaga akong nag-out. Gusto kong sunduin ka at ang mga kuya mo. I don't have the chance to do it for the past twelve years, anak.” Ngumiti pa siya sa akin. Yumakap ako sa kanya at pasimpleng pinunasan ang gilid ng mata ko. Ayoko naman kasing makita ni Appa na umiiyak ako, baka asarin ako lang niya ako. Bully din kasi minsan iyang tatay ko.
“Kamsamnida, Appa.” bulong ko.
“Hyongie, wag ka ngang takbo nang takbo. Baka madapa ka, e.” Saway sa akin ni Kuya Grayson bago humalik sa pisngi ni Appa. Kahit naman kasi hindi na tunay na ama ni kuya Junhui si Appa, mahal na mahal pa rin nila ang isa't-isa. Same kila mother dear at Oerabeoni.