Seungcheol's POV Nakangiti kong inayos ang pagkakasandal ni Jihyoung sa bintana ng kotse ko. Mukhang nahihimbing na siya sa tulog, e. For sure, napagod siya dahil sa dami ba naman ng sinakyan naming rides. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha at nakangiti iyong hinaplos. "My sweet cinnamon roll," bulong ko bago dampian ng munting halik ang noo niya. Bahagyang kumunot ang kanyang noo subalit nanatili pa ring tulog kaya napailing ako. 'Tulog-mantika pala ito,' Muli kong pinaandar ang makina ng sasakyan para makauwi na kami. Himinto lang naman kami para magpa-gas. Kailangan ko na siyang maihatid nang maaga para naman hindi ako masira sa pangako ko kila Henry at Grayson na bago mag 10pm, nasa bahay na siya. Para makaulit kami ng gala. "Bakit ka nakangiti?" Nagulat ako nang bigla siyang

