Chanyoung’s POV
HALOS mabingi na ako sa lakas ng paglabig ng dibdib ko. Hindi ko alam kung paano ko kinaya na makasama ang ultimate crush ko sa iisang kwarto. Oo, hindi kami solo pero iba pa din yung pinaghalong kaba at kilig kapag iisipin ko na magkalapit kami ng isang Kwon Henry. Dati kasi palagi lang akong nakatanaw sa kanya sa malayo.
"Bebe? Pwede ka huminga," pilyang biro sa akin ni Jihyong kaya nasamid ako bigla. "Mamaya mo na i-continue iyang kilig mo. Nandito na tayo sa labas ng bahay nyo."
"Huh?" Buong pagtataka kong tanong. Ngayon ko lang napansin na nakahinto na pala itong sasakyan.
Kinakabahan akong bumaba sa kotse nila Jihyoung hindi dahil sa natatakot akong mapagalitan nila mama at papa kung hindi dahil sa naka-abang na kamay sa akin.
I must be dreaming! Matagal ko nang pinangarap na mahawakan ang mga kamay ng nag-iisang lalaki na nakapagparamdam sa akin ng kilig.
Nanginginig kong inabot ang inaalok niyang kamay.
“Kamsahamnida,” matipid kong bulong nang finally magkadaupang palad na kami. Parang nag-slow motion ang lahat at ang tanging naririnig ko lang ay ang malakas na pagtibok ng puso ko.
“Ano na, noona? Papasok ka na ba o tititigan mo lang si Henry-Hyung?” Nakasimangot na tanong ng buset kong kapatid habang naka-halukipkip pa. “Baba na! Ginagabi na rin sila!”
“Ito na nga, bumababa na!” Singhal ko. Ayoko pa sanang bitiwan ang malalambot na kamay ng mahal kong Jagiya pero masyado na akong pinapatay sa tingin ni David. Baka putulin na niya ang kamay ko.
“Chanie~! Thank you nang marami, ha?” Hyper na hyper pang yumakap sa akin si Jihyoung.
“Nado, Thanks din.” Ngumiti ako sa kanya. Sinilip ko rin ang Kuya Grayson niya na nasa harap ng manibela. “Thank you po sa paghatid.” Nakangiti naman itong tumango. Hindi ko alam if namalikmata lang ako o sadyang ang wild ng imagination ko pero parang kumindat siya sa akin. “Gomawo, Henry. Mag-ingat kayo, ha?” Yumuko pa ako at ganoon din naman ang itinugon niya.
“Bye~” Si Jihyoung at humalik pa sa aking pisngi kaya bigla akong nagulantang. Hindi kasi ako sanay na may humahalik sa akin. Malapit na talaga akong kabahan dito kay Jihyoung, e. Hindi kaya natotomboy na siya sa akin? “Thanks din, David. Annyeong!” Masigla pa niyang yinakap ang kapatid ko bago pumasok sa loob ng sasakyan.
“Mauna na kami,” paalam pa sa amin ni Henry.
“Noona, bakit ang weird nung kaibigan mo?” tanong ni David nang umandar na yung kotse.
Tinapunan ko siya ng masamang tingin nang dahil sa sinabi niya. Pero hindi rin naman niya iyon nakita dahil nakatanaw pa rin siya sa papalayong sasakyan nila Jihyoung.
“Wae? Paano mo nasabing weird siya?” tanong ko at humalukipkip pa sa kanyang harapan.
“I don't know. Parang ang weird lang kasi na feeling closed siya masyado. Hindi naman kami personal na magkakilala pero kung makayakap siya akala mo naman mag-best friends kami.” Masungit nitong sagot kaya mabilis kong kinurot ang tagiliran niya.
“Ikaw, ha? Ang judgemental mo masyado! And for the record, hindi siya weird okay?” Sermon ko sa kanya. Aba't ang sarap niyang tampalin, a? “You should try to know her better.”
“Bakit? Kilala mo na ba siya? Kanina lang din naman kayo naging magkakilala, e.” Nakanguso pa nitong katwiran kaya inakbayan ko siya. “Kung makapag-defend ka naman! Porket kapatid lang ni Henry-Hyung, ganyan ka na!”
“Exactly! Kapatid siya ng mga kaibigan mo. Don't you think na mas dapat na bigyan mo siya ng chance para kilalanin?”
“Noona, hindi naman kasi porket kapatid ng kaibigan ko, kakaibiganin ko na rin.”
“Hindi ko naman sinasabi na kaibiganin mo si Jihyoung. Ang sinasabi ko lang, hindi din tama na pag-isipan mo siya ng hindi maganda.” Mahinahon kong paliwanag dahil mukhang sarado ang isip niya sa point ko. “Isipin mo na lang, what if one of your friends call me weird, anong mararamdaman mo?”
“Wala! Weird ka naman talaga, e.” sagot ng loko at dumila pa sa akin bago mabilis na tumakbo papasok ng bahay kaya tumakbo rin ako.
“BOO DAVID!” Sigaw ko sa pangalan niya pero nagawa niya kaagad na magtago sa likod ni mama.
“Ma, inaaway ako ni Ate Chanyoung,” Nakanguso niyang sumbong kay mama kaya hinila ko ang tainga niya. “Aray! Noona naman, e!”
“Hoy, Chanyoung. Wag mong papatayin yang kapatid mo.” Tamad na tamad na awat sa akin ni mama kaya binitiwan ko na si David.
“Humanda ka sa akin mamaya,” halos pabulong kong banta kay David subalit inirapan lang ako ng damuho.
Akala mo naman kinaganda niya 'yon.
Pero teka? Weird nga ba ako?
Nakanguso akong pumasok sa kwarto ko at tumingin napapagal na nag-dived sa malambot na kama.
Kahit pagod ang katawan ko, buhay na buhay naman ang diwa ko dahil kusang nagfa-flashback sa akin ang mga nangyari kanina.
Nag-usap kami ni Henry at inakbayan pa niya ako. Nakasabay ko rin siya sa pagkain at higit sa lahat, alam niya ang pangalan ko.
Hindi ko alam kung makakatulog pa ako sa lagay kong ito. Ito naman kasi puso ko, pabibo masyado. Kabog nang kabog.
Jihyoung's POV
“Hyongie, ang ganda ng ngiti mo, a?” Puna sa akin ni Kuya Grayson habang nagmamaneho. “Mabuti na lang at naka-sundo mo si Chanyoung. At least hindi ka na mahihirapang humanap ng kaibigan. Hindi ka na rin masyadong maho-homesick. Ang worry kasi namin nila mommy, baka bigla mong ma-miss ang mga friends mo sa China at maisipan mong bumalik 'don.”
“Namimiss ko na rin naman sila. Pero mas missed na missed ko naman kayo nila mother dear at appah. May internet naman at social medias kaya hindi na big deal ang distance.” sagot ko at nahiga dito sa likuran. Sa passenger's seat kasi nakaupo si Eorabeoni kaya naman solo ko dito.
“Kumusta na nga pala yung bestfriend mo? Ano ulit pangalan 'non? Lucas?”
“Si Luke? Mukhang ayos naman siya,” matipid kong sagot. “Huwag na nga lang natin siyang pag-usapan. Naiirita lang ako.”
Saka as if naman hindi nila kilala si Luke e, childhood besties sila kapag umuuwi sila sa Mainland.
“Nag-iba yata ang ihip ng hangin? Dati puro si Luke mo ang bukambibig mo, tapos ngayon ayaw mo siyang pag-usapan?” sagot ni Kuya Henry kaya pinaikutan ko siya ng mata. “Umamin ka nga? May LQ kayo 'no?”
“Wala! Walang LQ dahil hindi naman kami Lovers, okay?” sagot ko at hindi ko maiwasang lalo lang mainis. Sa tuwing naaalala ko kung anong nangyari noong huling beses na nag-usap kami, kumukulo lang ang dugo ko.
“Ayaw mo pa ng LQ, edi FQ na lang.” Natatawang sabat ni Kuya Junhui.
“Nako, brother dear. Manahimik ka na nga lang. Ang sagwa pakinggan ng FQ, para mo akong minumura.” reklamo ko habang pinipigilan ang matawa. Minsan talaga may mga linyahan itong kuya Grayson ko na malakas makapag-alis ng badvibes.
“Eorabeonie, gisingin mo ako kapag nasa bahay na tayo, ha? Inaantok na ako, e.”
“Don't worry, baby sis. Mag-sleep ka lang,” aniya at inabot pa sa akin ang suot niyang jacket. “Medyo malamig, baka sipunin ka na naman.”
Hindi na ako sumagot at nakangiti lang na ipinikit ang mga mata ko.
“Mabait pa naman si Luke,” bulong ni brother dear.
“Tsk. Wag niyo siyang pag-usapan, okay? Naririnig ko kayo.”
“Matutulog ka diba? 'Wag mo na ngang paki-alaman yung pinag-uusapan namin.” Natatawang sagot ni brother dear kaya bumangon ako.
“Gusto ko ng fries,” bulong ko. “Mga mahal kong kuya, daan naman tayo sa fastfood. Gusto ko ng fries.” Pinikitan ko pa sila ng mata pero nagtinginan lang yung dalawa bago sabay na tumawa nang malakas. “Waeyo? Bakit kayo tumatawa?” Nagpapanic kong tanong. Feeling ko kasi nababaliw na silang dalawa. “Ayaw niyo lang yata ako ibili ng fries, e.”
“Hay nako, Hyongie. Sige na bibili na tayo ng Nagpapa-cute ka pa, e.”
“Cute naman talaga ako, e.” sagot ko din at ngumiti pa sa kanila. “Maiba ako, ang bait ni Chanyoung, no? Saka, kapatid siya nung friend niyo diba? Bakit hindi kayo closed sa kanya?”
“Ewan ko nga din, e.” Nagkibit balikat pa si Kuya Henry. “Mahiyain kasi yung friend siya. Si Thomas lang yata yung kinakausap niya sa amin bukod sa kapatid niya, e.”
“Tama. Medyo ilag din siya sa amin kahit pa sabihin na mga gwapo naman kami.”
“Luh, yabang a? Ang papangit niyo kaya,” bulong kahit ang totoo sobrang gwapo nilang lahat. Alam mo yung wala kang maitulak-kabigin? Walang patapon, lahat sila mesherep. Ay ang harot ko na.
“Aba, Jihyoung! Mukhang d'yan tayo magkakagalit! Ang taas naman yata ng standards mo kung pangit pa kami para sayo?” Nakasimangot na reklamo ni Kuya Henry kaya natawa ako nang malakas. “Hindi mo ba alam na maraming nahuhumaling sa mga kuya mo?”
“I know,” bulong ko at naalala ko naman si Chanyoung. Balak yata 'non na maging presidente ng fans club nitong kuya ko. “Pero maiba ako, kayo ba walang nagugustuhan sa school?”
Nagkatinginan silang dalawa at sabay na tumingin sa akin.
“Akala ko ba inaantok ka?” Nakataas kilay pang tanong ni Kuya Junhui kaya nginusuan ko siya.
“Nagtatanong lang, e. Hindi nga? Siguro meron, ayaw niyo lang sabihin.”
“Nako, Jihyoung. Wala pa kasi sa isip namin 'yon. Mga bata pa tayo, okay?” ani Kuya Henry at ginulo pa ang buhok ko. “Grayson, mag-drive thru na lang tayo.” Inginuso pa nito ang madadaanan naming fastfood restaurant.
“Dine in tayo! First time kong kakain ng fast food dito. Ayokong mag-drive thru.” Pinahaba ko ulit ang nguso ko at nagpa-cute sa kanila. “Jebaaal~”
“Aigoo~ parang bata,” bulong ni Kuya Junhui bago huminto sa harap ng kainan. “Mauna na kayo sa loob, ipa-park ko lang 'tong sasakyan.”
“Yey!” sigaw ko at nauna nang bumaba. Binuksan ko pa yung pinto na nasa side ni Kuya Henry at excited siyang hinila.
“Jihyoung, baka madapa tayo.” reklamo nito pero nakangiti pa rin.
“Masyado kang excited, a?”
Ngumiti din ako sa kanya bago humanap ng pwede naming pwestuhan. Sakto naman na hindi masyadong matao kaya hindi na ako nagtagal sa paghahanap ng lamesa.
“Alam mo kuya, matagal ko nang gustong kumain sa ganitong lugar na kayo yung kasama.”
Pagku-kwento ko. “Sa China kasi puro si Minghao lang ang nakakasabay kong kumain sa labas kasi alam mo naman sila lola, medyo traditional. Mas gusto nilang sa bahay lang kumain.” Yumuko ako para makaiwas ng tingin kay kuya. “Mabuti na lang at pwede na akong kumain na kayo naman ang kasama.”
“Jihyoung… Pasensya ka na, ha? Kung kinailangan mong lumaki na hindi kami halos na nakakasama.” seryoso pang hinagod ni kuya ang buhok ko. “Don't worry, lahat ng gusto mong gawin na kasama kami ni Kuya Grayson mo, gagawin talaga natin. Promise.”
“Jinjaro?”
“Dae.” Tumango pa siya kaya naman hindi ko maiwasang yumakap sa kanya ng mahigpit.
“Komawo, Eorabeoni.”
“No. Thank you, Jihyoung. Thank you for waiting for us.” seryoso ulit niyang bulong kaya nakangiti akong humiwalay sa kanya.
“Naka-order na kayo?”
“Ay, hindi pa pala. Hehe. Si kuya kasi ang daldal.” palusot ko bago tumayo at akmang aalis para um-order.
“Kami nang oorder. Maupo ka na lang d'yan,” ani Kuya Henry kaya bumalik ako sa pagkaka-upo ko.
“Okay… Balik kayo kaagad, ha? Love you both.”
Sabay naman silang natawa sa sinabi ko.
Kinuha ko muna sa suot kong jacket yung phone ko. Wala naman kasi akong makausap dito kaya napagdesisyonan kong mag-online na lang muna sandali. Siguradong marami na naman akong chats mula kila lola. Pero bago ko pa mabuksan ang messenger ko, biglang tumunog ang phone ko habang nasa screen ang picture ng magaling kong bestfriend.
‘Xu Luke.’
Paano ba? Sasagutin ko ba? Eh kasi naman, e. Hindi kasi maayos yung huling pag-uusap namin, e.
Nakahinga ako nang maluwag nang tumigil na ang pagtunog ng phone ko pero muli iyong tumunog kaya nagpanic ako at imbis na i-cancel, na-accept call ko.
‘s**t. I'm doomed.’
“Ni hao-”
“Are you really trying to avoid me?!” Malakas niyang sigaw mula sa kabilang linya kaya napapikit ako sa kaba. “Talagang umalis ka nang di nagsasabi sa akin?”
“E ikaw kasi, e. Inaway mo ako! Syempre galit ako sayo.” Mangiyak-ngiyak kong reklamo kahit di naman niya nakikita. “Bakit ba nagagalit ka!?” sigaw ko. Wala na akong pakielam kahit pinagtitinginan na ako ng ilang kumakain dito.
“Syempre! Muntik ko nang awayin yung lola mo kasi akala ko tinatago ka lang nila sa akin, e!”
“E maloko ka pala e. Bakit aawayin mo si lola? Sinabi ko naman sayo na uuwi na ako, e.”
“Akala ko nga nagbibiro ka lang!”
“Puro ka kasi akala! Bakit ba sinisigawan mo ako? Bakit magkabati na ba tayo?”
“Bakit hindi pa ba?”
“Hindi!”
“Jihyoung naman, e!” Bakas sa boses niya ang frustration. “Wag ka na kasing magalit!”
“Wow ha? Parang nagalit naman ako nang walang dahilan!” iritable kong sigaw.
“Anong gusto mo? Hayaan ko yung mga lalaking bastusin ka?”
Kahit malayo siya sa akin ngayon, ramdam na ramdam ko yung inis sa boses niya. Feeling ko literal na nag-uusok ang ilong at tainga nito nang dahil sa galit.
“For Pete's sake, Xu Luke! Hindi nga nila ako binastos. Ang kulit mo naman, e!”
“Oo na! Makulit na! Hindi mo naman ako masisisi kung ganoon yung naging reaksyon ko!” Sandali siyang tumahimik. “Jihyoung, lalaki din kasi ako. Kahit naman siguro yung mga kuya mo, ganoon din ang magiging reaksyon kapag nakita nilang binabastos ka.”
“For the nth time. Hindi nila ako binabastos, okay? Na-misenterpret mo lang yung nakita mo. Okay? As if naman papayag akong mabastos nila, diba?” paliwanag ko pa. “Ano? Okay na? Naliwanagan ka na? Alam mo, ang babaw nitong pinagtatalunan natin.”
“Tss.” Narinig kong ismid niya kaya nakahinga na ako nang maluwag. Kapag ganyan na kasi yung response niya, alam kong okay na kami. O, diba? Ang weird naming dalawa.
“Kailan ang balik mo dito?”
“I don't know, baka sa bakasyon na.”
“Nagbibiro ka ba?!”
“Sumisigaw ka na naman!”
“I mean, joke lang 'yon, diba?” Mahinahon naman na niyang tanong. “Paano yung pag-aaral mo?”
“Naka-enroll na ako dito. Pumasok na nga ako kanina, e. And you should be proud, may mga kaibigan na kaagad ako.” Pagyayabang ko pa pero hindi siya sumasagot. “Hello? Hello? Wuy? Still there?”
“Talaga pa lang iniwanan mo na ako?” malungkot niyang bulong.
“Utot mo blue, Minghao. Makaiwan ka naman!” natatawa kong sagot pero nagpakawala lang siya ng malalim na buntong hininga.
“Wuy? Are you really sad? Miss mo na ako kaagad?”
“Tss. Ewan ko sayo. Sige na, see you soon.”
Iyon ang huli niyang sinabi bago mag-end call.
“Luh, nabaliw na naman,” bulong ko. “Ay palaka!” Kamuntik pa akong mahulog sa upuan ko nang mapansin kong nasa harapan ko na pala sila kuya habang may hawak na tray ng pagkain. Pero mas ikinagulat ko na may iba pa silang kasama.
“Kanina pa kayo?”
“Oo. Init na init ang nagbabagang awayan niyo ni Luke, a?” Natatawang kantsaw ni Kuya Grayson kaya inirapan ko siya.
“Totoo pa lang may FQ kayo e.” biro pa nito matapos maupo sa tabi ko.
“Kuya! Sinabing tigilan yung FQ na 'yan e. Ang sagwa talaga.” sagot ko at dumampot na ng fries. “Hi! Friend ka nila kuya diba? I'm Jihyoung. Ikaw? Anong pangalan mo? Nagkita na tayo sa faculty at cafertiria, diba?” Tiningnan lang ako nitong kaharap ko. Hindi ba niya nakikitang inaalok ko siya ng shakehands? Sa pagkaka-alala ko, hindi naman siya pipe at lalong hindi bulag. “Kuya? Hindi ba marunong makipag-interact itong tropa niyo?” bulong ko kay kuya Henry.
“Wuy, tinatanong ka!” siniko pa siya ni Kuya Grayson kaya para pa itong nagulat.
“I'm…” He paused for a second before he clears his throat. “…Stephen. Choi Stepthen."
Tila nag-aalangan pa sya na kuhanin ang inaalok kong kamay kaya ngumiti ako sa kanya at ako na mismo ang humawak sa kamay niyang ubod ng lambot.
"It's nice to meet you, Mr. Choi Stephen."