Malalim na ang gabi at malakas ang ulan ng biglang nag ring ang telepono sa pinapasukang convenience store ni Ace.
"Hello! twenty four seven convenience store, how may i help you?" Sagot ni Ace Wattson.
"Kailangan ko ng dalawang box ng condom at dalawang pack ng wet tissue or wet wipes paki deliver sa room 103 at Shangrila Hotel and Casino Ngayon din at paki bilisan". Pagkatapos ay binaba agad ng caller ang telepono at hindi na ito nagpakilala.
Napailing na lang si Ace, hindi niya alam kung maiinis ba siya sa tinuran ng caller or matatawa. "People now a days never seemed to be prepared! Sasabak sa bakbakan ng hindi naging handa".
Kinuha na niya ang mga order at binalot! pagkatapos ihanda ang mga kailangan ay nagsoot na siya ng raincoat at sumakay sa kanyang scooter papunta sa shangrila hotel para e deliver ang order ng hindi nagpakilalang caller.
It was already 10 o'clock ng gabi at masyadong malakas ang hangin at bugso ng ulan kaya nabasa ang kanyang pantalon at sapatos dahil kailangan niyang magmadali para ma deliver agad ang item dahil sa tono pa lang ng tumawag parang nasa emergency need na ito ng mga oras na iyon. Napangiti na lang si Ace sa mga tumatakbo sa isipan niya.
Buti na lang at hindi nabasa ang mga gamit na kaniyang e dedeliver dahil binalot niya ito ng husto sa plastic bag.
Pagkadating niya at pagpasok sa hotel at agad niyang tinanong sa information kung saan ang room 103. Pagdating niya sa harap ng pinto ay kinatok niya ito ng tatlong beses at agad din itong bumukas.
"Hello good evening here's your-....." Natigilan si Ace at nabigla sa kaniyang nakita at hindi na siya natapos sa kaniyang pagsasalita.
Dahil ang babaeng nakatayo sa harapan niya ay walang iba kundi ang girlfriend niyang si Katherine.
Nakasuot ito ng puting bath Robe at halatang bagong ligo dahil basa pa ang maitim at mahaba nitong buhok na lampas balikat. Naamoy pa niya ang shower gel at bango ng Shampoo na ginamit nito.
"Katherine? Anong ginagawa mo dito?" Tinitigan niya ito ng hindi makapaniwalang tingin mula ulo hanggang paa. Dahil hindi ito sumagot at nabigla rin ito pagkakita sa kaniya ay inulit niya ang tanong. "I said what are you doing here?".
Bumilis ang pintig ng puso ni katherine ng ma realize niya kung sino ang kaharap niya. Napaatras siya ng ilang hakbang at na blanko ang kaniyang utak, nag isip siya kung ano ang idadahilan niya kay Ace.
"What's wrong honey?" Isang tinig ng lalaki ang biglang nagsalita at sumulpot mula sa likoran. Nakasoot din ito ng bath robe at nakasuot ng tsinelas ng hotel. Lumapit ito kay Katherine at umakbay sa kaniya. Nakilala naman ni Ace ang lalaki.
"Ikaw?... You dare to touch my girlfriend?". Hindi makapaniwala si Ace sa kaniyang mga nakita at hindi niya mapigilan ang galit at emosyon na nararamdaman. Lalapitan na niya sana ang lalaki at akmang susuntukin ito dahil sa sobrang galit at sakit na nararamdaman ng mga oras na iyon ngunit humarang si katherine at pinigilan siya.
"Ace stop!"
Pagkatapos niyang maka recover sa pagkabigla at pag pa panic ng makita si Ace kanina . Since nalaman na ni Ace ang kaniyang pagtataksil ay wala na siyang magagawa kundi panindigan ito dahil hindi na niya ito maitatago pa sa kaniyang nobyo.
Tinitigan niya ito nang deretso sa mga mata at sinabing "Ace we need to break up".
"Break up?" inulit niya ang sinabi ni katherine at maluha luhang tinitigan ang nobya nito.
"Katherine we've been together for 2years, tapos sasabihin mo sa akin na makikipag hiwalay ka ngayon?" hindi na napigilan ni Ace na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.
"Yes! kailangan na nating maghiwalay ng landas" Desidido na sa katherine sa kaniyang desisyon.
"Are you surprised? You have no money Ace. Eh! Hindi mo nga ako maibibili ng mga mamahaling gamit at hindi mo maibibigay sa akin ang mga bagay na gusto ko. Lahat ng mga binibigay mong regalo sa akin lahat puro mga cheap essentials, we never have anything nice. Sa tuwing nakikita tayo ng mga kaibigan kong magkasama, pinagtagawanan lang nila ako, at hindi 'yun ang buhay na gusto ko at lalong lalo na hindi iyon ang buhay na pinapangarap ko". Pagmamaktol na sabi ni Katherine kay Ace.
"Pero masaya naman tayo diba? akala ko kontento ka lang kung anong meron tayo ang importante ay okay at masaya tayong dalawa."
Pagkombinse ni Ace kay katherine para magbago ang isip nito at hindi na makikipaghiwalay sa kaniya.
"Akala mo lang 'yon! sawa na ako Ace! ayokong mamuhay sa kahirapan. Wala pa akong masyadong muwang noong una kitang makilala. Kaya madali akong nahulog sa isang loser na katulad mo."
Pagkatapos ng mga binitawang masasakit na salita ni Katherine yumakap siya sa mga bisig ni Willie.
"Willie is my boyfriend now. From now on hindi na kita kailangan at wala na akong gusto sayo, so don't bother me again".
Dagdag pa ni katherine.
"Well, parang isa ka nalang walang kwentang ex ngayon" Sabi ni willie at naka ngisi ito ng mapanukso.
Habang nakatayo si Ace sa harapan nilang dalawa bitbit ang raincoat at tiningnan ang mantsa ng mga putik sa kaniyang pants at sapatos, inisip niyang baka tama nga si Katherine. Isa siyang talonan.
Hinablot ni Willie sa mga kamay ni Ace ang hawak nitong plastic bagat inilabas doon ang isang box ng condom, iwinawagayway niya ito sa harapan ni Ace at tumawa habang sinasabi.
"Im staying in a nice hotel having my girlfriend's ex boyfriend bringing me condoms. Ang bait mo naman."
Pangungutya pa ni willie kay Ace.
"Why are you still here? ano pang ginagawa mo dito?" Galit na sabi ni katherine kay Ace.
"Wow! buti hindi siya ngalit!
Baka gusto niyang makita kung anong gagawin natin hah! Katherine? Kailangan mo kasing ibigay sa babae lahat ng mga pangangailangan niya pare"
Ngumisi ng nakakaloko si willie.
Ramdam ni Ace ang pagkabigo at pagkatalo. Dahan dahan siyang tumalikod at naglakad papaalis sa kwartong iyon. Hindi pa man siya nakakalayo ay nagsalita ulit si Willie.
"Bro! you're not even taking the money? huh! how nice of you. I get a girlfriend and a gift"
Gustong gusto ni Willie at masaya siyang nakikita si Ace na nakadapa at nanlulumo ang postura nito habang sinasara ang pintuan ng kwarto.