Lumipas ang ilang araw nang pareho kami ni Dinah na inaasahang bigla nalang darating si Mico sa resort. Di na namin ipinaalam kahit kanino ang natuklasan namin tutal wala namang ibang ginawa si Mico na maaring ikabahala namin. Iyon nga lang, pansin kong wala na ang dating pagkabaliw ni Dinah kay Mico dahil kung nagkataong may damdamin pa siya dito ay tiyak gumawa na ito ngayon ng paraan upang makasamang muli ang huli sa halip ay parang ayaw pa niyang muling susulpot sa buhay niya si Mico. Natitiyak kong isa sa mga dahilan ng mga kinikilos niya si Ian na nitong mga nakaraang araw ay di ko na napapansing sinusungitan niya palagi. I smell something fishy sa mga tinginan ng dalawang ito pero pinili ko nalang manahimik. Dinah deserves to be happy pagkatapos ng toxic relationship nila ni Mi

