Simula noong magcomment si Kian tungkol sa dibdib ko ay di ko na hinayaang mapagsolo kaming dalawa. Feeling demure lang ako noh kahit ilang beses na niyang nalamas at pinagsawaan noon ang mga ito. E, sa ngayon lang ako nakaramdam ng hiya. Iba kasi noon, pangromance pa ang katawan ko noon habang ngayon naman ay may mga anak na akong siyang binubuhay nitong dibdib ko. "Sheena, can we talk?" Napalunok ako nang biglang sumulpot si Tita Yvon sa likod ko. Di maganda ang huli naming pag-uusap pero dahil doon ay nakapagdesisyon ako ng mas nakabubuti para sa mga anak ko. Wala pang sinuman sa amin maski si Daddy ang umusisa about sa mga nangyari two years ago. Hindi nga rin niya naitanong kung paanong nawala lang ako ng two years tapos may Sky, Cloud at Star na agad siyang mga cute na mga apo

