Chapter 47 BRIELLE… “HMM, CALI anak. Let mommy sleep more,” paungol kong saad sa anak ko. Naririnig ko kasi siyang tumatawa sa tabi ko, sometimes I envy my babies. Ang dami nilang energy sa katawan nila, na kahit kulang sila sa tulog ang taas pa rin ng energy nila. Nahihiling ko tuloy na sana kapatid na lang ako ng mga anak ko, pero hindi naman pwede kasi isa ako sa mga gumawa sa kanila. Napakunot ang noo nang maramdaman kong parang pinipiga ang isang dibdib ko. Ma lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ko nang maramdaman ko parang may kung anong matigas na bagay ang bumabangga sa may balakang ko. “Tracer,” tawag ko sa panganay ko. Narinig ko na naman ang pagbungisngis ng mga anak ko, and to my surprise may kasama nang umuungol sa mga bungisngis nila. Na hundred percent akong hindi n

