Chapter 48 BRIELLE… TAHIMIK LANG si Michelle habang kasama ko siyang namimili. Kanina ko pa siya napansin na tahimik siya, sa biyahe pa lang namin papunta ng Mall tahimik na siya. Sa bahay pa lang yata hindi na kumikibo si Michelle. Samantalang okay naman kami kahapon nang lumipat kami kahit noong matutulog kami. Hindi ako sanay na makitang tahimik si Michelle, madaldal ang bruha na ito. Nahawa na nga ako sa kadaldalan niya, na dati naman libro lang ang inaasikaso ko. “Michelle, may problema ka ba?” tanong ko sa kanya. Hindi ko na kasi matagalan ang pagiging tahimik ni Michelle kaya nagtanong na ako sa kanya. Tiningnan lang niya ako saka siya umiling bilang sagot sa akin. “Hindi ako naniniwala na walang problema, okay naman tayo kagabi. Bakit ngayon ang tahimik mo na?” pangungulit

