Chapter 29 BRIELLE… ANG SARAP ng tulog ko, masarap sa pakiramdam na kompleto ang tulog. Ilang buwan na ba akong kulang na kulang sa tulog, mula nang ipanganak ko si Tracer. And that’s seven months now, ang bilis ng panahon malaki na agad ang baby ko. though iyakin pa rin naman siya, pero hindi na masyadong iyakin talaga. Iiyak na lang siya kapag nagugutom siya o kaya naman naiinis siya. hindi na siya iiyak kung dumumi siya o naihi siya o ano pa man. Nagulat na lang ako nang pagmulat ng mga mata ko madilim na sa paligid ko. agad akong bumangon at tinignan ang tabi ko. Ang huli tanda ko, ipinatulog ko sa hapon si Tracer, sabi ko sa sarili ko iidlip lang ako. Wala kaming kasama dahil umuwi ng Pilipinas si Michelle dahil sa tatay nito. Habang si Bullet naman pinagtabuyan kong magtrabaho

