Chapter 30 BRIELLE… I AM IN MY morning walk with Tracer, sanay na ako sa paligid namin. araw-araw ba naman na nasa labas kaming mag-ina. Simula naman kasi ng manganak ako hindi na mahigpit si Bullet sa akin, nakakalabas na kaming mag-ina. Kahit na wala kaming kasama na lalabas okay lang kay Bullet. Maybe because he still have his men lurking around waiting and watching me and my son. Hindi rin naman kasi kami lumalayo ni Tracer. Paikot-ikot lang kami malapit sa bahay namin. Or sometimes sa may park lang kami naglalakad ni Tracer. Gusto ko lang na may malanghap na sariwang hangin ang anak ko. Maranasan niyang masikatan ng araw at makita ang ibang lugar. Hindi iyong palagi na lang kaming nasa loob ng bahay. “Hi Brielle, you look good today.” Bati sa akin ni Anna. Isa siyang American

