Chapter 45 BRIELLE… I FEEL some sort of relief, kapag ganitong busy ako hindi ako nakakaisip ng kung ano-anong bagay sa mundo. Katulad na lang ng greenhouse effect na iyan, global warming at kung ano-ano pang mga anik-anik sa mundo. At higit sa lahat, hindi ko maiisip ang Bullet na iyon, kung anong pinaggagagawa niya sa buhay niya ngayon. It’s been one week. One week, mula nang dumating kami dito sa Pilipinas, at ni ha ni ho wala na akong narinig sa lalaking iyon. “Brielle,” tawag sa akin ni Michelle. Inihinto ko na muna ang pagkuskus ko ng tiles ng bahay ko, oo bahay ko. ito ang bahay na binili ko noon gamit ang pera na pinapadala ni Bullet noon nang hindi pa kami kasal. At bahay ko lang ito, hindi makakapunta ang lalaking iyon dito. “Bakit?” pasigaw na tanong ko naman pabalik kay M

