Chapter 43 BULLET… PARANG mas masahol pa sa binugbog ang pakiramdam ko ngayon, I think mas masahol pa yata sa pinagbabaril na lang sana ako. Ang sakit na panoorin mong lumayo ang mga mahal mo sa buhay. I hate watching Brielle and my kids go without me. Pero kailangan kong magtiis para sa kanila rin naman ang lahat. Hindi ako umalis sa kinatatayuan ko, kahit na ng makaalis na ng tuluyan ang eroplano kung saan nakasakay ang mag-iina ko. Hindi ko mapigilan na hindi umiyak habang nakikita ko kung paano umiyak si Brielle. Masakit para sa akin na paalisin sila, pero mas masakit naman na ikulong ko sila dito. Masaya nga ako na kasama ko sila. Na mababantayan ko ang paglaki ng mga anak ko. Pero hindi ako sigurado kung masaya pa ba si Brielle sa tabi ko. Ayokong isang araw, bigla na lang ni

