Chapter 38 BRIELLE… KINAUMAGAHAN NAGISING akong mag-isa na lang ako sa kama, tahimik ang buong bahay at walang kahit na isang tao. Ang aga ko na ngang nagising, mas maaga pa na nawala ang mga tao sa paligid ko. nasaan naman kaya ang mag-aama ko ng mga oras na ito? Nag-iwan sila ng note na lalabas lang sila, pero hindi naman nila sinabi kung saan sila pupunta. “Wow,” bulalas ko nang makalabas na ako ng kwarto. Sa may sala kasi nabungaran ko ang isang bouquet of red roses. Tapos may note pa na nakalagay na ‘to the beautiful mommy of the world’. Na hand written ng bata, siguro si Tracer ang nagsulat. Pero alam ko hindi pa kayang magsulat ng ganito ni Tracer. Iyong pangalan nga niya hindi pa alam isulat ng anak ko, ganito pa kaya? Nang magpunta ako ng kusina para maghanda ng makakain, n

