Chapter 37 BRIELLE… BALIK KAMI sa morning walk ng mga anak ko. Kung dati si Tracer ang tulak-tulak ko sa stroller, ngayon si Caliber na. At si Tracer naman kasama ko ng naglalakad, nakakapit sa may damit ko habang naglalakad. It was a good morning, malamig ang panahon kasi malapit nang mag-winter and Christmas is approaching. Pero ang mga bagets ko hindi masyadong nilalamig ‘ni ayaw nga nilang mag-jacket dahil mainit naman daw ang sikat ng araw. Samantalang ako kulang na lang mag-winter clothing na ako sa lamig. Si Tracer lang naman ang nagrereklamo, pero siyempre gaya-gaya ang bunso. Kung ano desisyon ng Kuya niya iyon din ang kanya. Papaano na lang kaya kung uuwi na kami ng Pilipinas. Tropical country ang Pilipinas, ‘di tulad dito sa Italy na four season at iyon na nga may winter.

