bc

MY FOREST PRINCESS

book_age4+
1
FOLLOW
1K
READ
others
contract marriage
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
betrayal
friendship
secrets
like
intro-logo
Blurb

Michael Nuevas isa sa pinaka successful na businessman sa bansa at higit sa lahat gwapo, matalino at masigasig. maraming mga babae ang may gusto sa kanya ngunit binabale wala niya lamang ang mga ito, dahil hanggang ngayon hindi niya parin makakalimutan ang batang babaeng nakilala niya noon sa gubat noong nababakasyon sila ng kanyang mga magulang sa bayan ng san miguel.

Sa kanyang pagbabalik sa bayan ng san miguel makita pa kaya nga ang batang babaeng nakilala niya noon?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Michael Nueves isa sa pinaka mayaman sa Bansa at napaka bata, sa edad na 30 marami na itong sariling companya, isa na rito ang MN Hotel na kung saan halos lahat ng naroroon ay mga mayayaman at mga politiko. Sa kabila ng pagiging mayaman nito ay ubod ito ng gwapo at matipuno ang katawan, halos lahat ng mga babae sa Lungsod gusto siyang makasama.. Isa na sa mga babaeng humahanga sa kanya ang kanyang kababata, si Ella Angeles mayaman rin ito maganda at isa sa mga pinag aagawang modelo sa lungsod, ngunit kaibigan lang turing niya rito simula pa nong bata pa sila. Kahit mga magulang niya gustong gusto rin si Ella para sa kanya, bakit daw hindi nalang si Ella ang pakasalan niya total simula pa nong bata pa sila magkasama na sila. Ang tanging sagot niya lang mahal niya rin ito ngunit bilang isang kaibigan lang. Hanggang ngayon kasi lagi niya paring naiisip ang batang babae na nakilala niya sa gubat noong bata pa siya, nag bakasyon sila noon ng kanyang mga magulang sa probinsya mayroon din kasi silang bahay bakasyonan sa probinsya, habang nag pipiknik silang mag anak sa tabi ng gubat may nakita siyang isang batang babae na pasilip silip sa kanila habang ng tatago ito sa ilalim ng malaking puno. lalapitan niya sana ito ngunit bigla itong tumakbo papasok sa loob ng gubat. Kinabukasan bumalik siya sa tabi ng gubat nag babakasakaling makita ulit ang batang babae, naghintay siya ng ilang sandali sa labas ng gubat ngunit ng mapansin niya na wala parin ang batang babae pumasok na siya sa loob ng gubat. kinakabahan siya dahil ang sabi ng kanyang mga magulang wag daw siya pumasok sa gubat dahil maraming mga mababangis na hayop. Habang nag lalakad siya nadulas siya at nasugatan ang kanyang mga siko, agad naman lumabas ang batang babae at dahan dahan lumapit sa kanya, animo'y mukhang natatakot din ito sa kanya. Nang makalapit na sa kanya ang batang babae agad naman siya nitong tinulungan upang tumayo, Nang makatayo na siya agad namang siyang nagpasalamat ngunit nakayuko lamang ang batang babae at hindi nag sasalita, aalis na sana ang batang babae ngunit pinigilan niya ito. Sandili wag ka munang umalis, naparito ako upang makita ka, gusto sana kitang maging kaibigan, nakita na kita kahapon pero bigla ka namang tumakbo. Wag kang mag alala hindi ako masamang tao. Ako nga pala si Michael pakilala nito sa sarili. Dahan dahan namang humarap ang batang babae sa kanya ngunit nakayuko parin ito Anung pangalan mo? Unti unting umangat ang ulo ng batang babae at tumingin sa kanya. fairyll. sagot nito sa mahinang boses Dito kaba nakatira? Tumango lamang ito. Pwedi ba tayong maging magka ibigan? Tumango lang ito Maya maya pa may narinig na si Michael na mga boses, parang hinahanap na siya ng kanyang mga magulang. Michael nasaan kana? Sigaw ng kanyang ina Michael anak? Sigaw naman ng kanyang ama At iba pang mga boses na tinatawag ang pangalan niya. Nang mukhang papalapit na ang mga boses sa kanya. Agad namang tumakbo ang batang babae animoy natatakot ito sa mga tao. Michael anak! Sigaw ng kanyang ina at ama ng makita siya ng mga ito, umiiyak ang mga ito at niyakap siya. Anong ginagawa mo rito sa gubat alam mo bang mapanganib dito? Tanong ng kanyang ina habang yakap yakap parin siya, Aray! mommy masakit po yong sugat ko. Tiningnan naman ng kanyang ina ang siko niya. Hali kana at gamutin na natin ang sugat mo. Uuwi na tayo. Wag na wag kanang bumalik dito ha, masyado mo kaming pinag alala ng iyong ama Michael. Nang naglalakad na sila palabas sa gubat lumingon siya at nakita niya ang batang babae na nagtatago sa ilalim ng malaking puno at pasilip silip ito sa kanya. Agad niya naman itong nginitian. Kinabukasan pumunta ulit si Michael sa tabi ng gubat, agad niya namang nakita ang batang babae tila animo'y hinihintay talaga siya nito. Nginitian niya naman agad ito at kumaway. Lumabas naman ito sa pinag tataguan nitong puno at unti unting lumapit sa kanya. Simula noon, araw araw na silang nakikita at naglalaro malapit sa gubat at binigyan niya rin ito ng kwentas tanda ng kanilang pagiging magka ibigan. pagkaiingatan mo ang kwentas na ito dahil ito ang tanda ng ating pagiging magka ibigan at isinuot ito sa leeg ng batang babae.Tumango naman ang batang babaeng at ngumiti sa kanya. Pagkatapos nag paalam na siya sa batang babae upang umuwi na, baka kasi hinahanap na siya ng kanyang mga magulang. Babalik ako bukas ha. Maglalaro tayo ulit, hihintayin mo ako rito ah, babalik ako. Pagkarating sa kanilang bahay nagtaka si Michael kasi nag aayos na ng mga gamit ang kanyang ina upang bumalik na sila sa syudad. Ay nakong bata ka saan kaba ng galing? Tanong ng kanyang ina ng makita siya nitong lumalapit sa kanya Sa labas lang po mommy, naglalaro lang po ako. Sagot niya habang nagtataka parin kung bakit nag aayos na ng mga gamit ang kanyang ina. Sige na mag bihis kana dahil uuwi na tayo ngayon. Dahil nasa hospital ang iyong lola Po? Bakit po anu pong nagyari sa lola.? Tanong niya sa kanyang ina ng may pag alala. Sige na. Mag bihis kana bilis. Ang tanging sagot ang kanyang ina dahil busy din ito sa pag aayos ng kanilang gamit. Maring? Tawag ng kanyang ina sa kanilang katiwala Lumapit naman agad ang katiwala. Anu po yon madam? Bihisan mo na si Michael dahil nagmamadali na kami. Opo madam. Pagkatapos siyang bihisan ng katiwala agad siyang lumabas upang tumakbo sana papuntang gubat para mag paalam sa kanyang kaibigan. Ngunit nakita siya ng kanyang ina at isinakay sa sasakyan. Mommy! Sandali lang po mag papaalam lang po ako sa aking kaibigan.. Michael nag mamadali tayo, kailangan na nating umalis. Agad naman pina andar ng kanyang ama ang sasakyan at umalis, wala namang siyang nagawa habang naka upo siya sa loob ng sasakyan tiningnan niya ang gubat at nag sabing babalik ako,, pangako yan. Simula noon hindi pa siya naka balik ng probinsya. Pero lagi niya paring na iisip ang batang babae. Kumusta na kaya siya ngayon? May sarili na kayang siyang pamilya ngayon? Anu na kaya itsura niya? Maraming mga tanong ang sumasagi sa isip niya, naalala pa kaya siya nito. Dahil bihira lang itong magsalita nong naglalaro sila noon. Boss! Boss! Tawag ng secretary niya sa kanya Yes? Sagot niya ng may pag kainis Pasyensya kana boss. Kanina pa po akong katok ng katok sa pintuan niyo ngunit hindi po kayo sumasagot kaya pumasok nalang po ako. Parang ang lalim po ng iniisip nyo boss ha? Wala to, pagod lang siguro ako, anu ba kailangan mo bakit ka naparito? Remind ko lang po boss na mamayang 2:30 ng hapon may meeting po kayo with Mr. Lim Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan ha. Ok John, Thank you. sige boss, lalabas napo ako. Tango na lamang ang tinugon nya sa kanyang secretarya at lumabas na ito. Hindi lang Secretary ang turing niya kay John kundi isa ring kaibigan, ito kasi ang sandalan niya at sinasabihan niya ng kanyang mga problema. Simula pa nong nag uumpisa palang siyang magpatayo ng sarili niyang companya si John na ang kanyang kasa kasama, kaya napalapit ng husto ang loob niya dito. Binilhan niya rin ito ng sariling bahay at sasakyan. Pagkatapos lumabas ni John bumalik na siya sa trabaho, maraming pa siyang mga dokomento na kailangang ayusin. 5:30 na ng hapon matapos ang meeting ni Michael kay Mr. Lim kaya napagpasyahan niya pumunta muna sa isang bar upang uminom at magpalipas oras. Habang umiinom siya may mga grupo nag mga kalalakihan na dumating at umupo sa kabilang lamesa at umorder ito ng maiinom na alak. Habang nag iinuman na ang mga ito may isang lalaki na nag salita. Alam niyo ba tol, don sa gubat sa probinsiya namin, may isang napaka gandang babaeng naninirahan doon sabi nga ng iba diwata daw yon, pero pre nakita namin yon sa ilog naliligo ang ganda nga at ang kinis ng balat, animoy mukha ngang diwata, habang naliligo siya pinag mamasdan namin habang nag tatago kami sa puno, grabe mga tol subrang ganda ng hubog ng katawan parang katawan ng isang modelo. Kaya lang bigla umahon sa tubig at tumakbo ng makita niya ang isa kong kaibigan, pano ba naman ang ingay niya. So ayon sinundan naman namin kaso ang bilis niyang tumakbo, kaya hindi na namin na abutan. Totoo ba yan pre? Sabi ng isang kaibigan nito na animoy may pagnanasa na sa babaeng kwenikwento nito. Oo naman. Gusto niyo puntahan pa natin yong gubat na sinasabi ko eh. Sagot naman ng nag kwekwento Sige sige. Sang ayon naman ng iba nitong mga kaibigan Gusto niyo sa susunod na linggo punta tayo sa probinsya namin hanapin natin yong babae. Sige, sabi mo yan ha.. sabi naman ng isa na animoy may binabalak na masama Anu nga yong probinsya niyo tol? Tanong naman ng isa San Manuel tol. Sagot nito Nang marinig ni Michael na sa probinsya nga ng San Manuel ang tinutukoy ng lalaki na gubat agad siyang kinabahan, dahil baka ang tinutukoy nitong babae ay yong naging kaibigan niya noon. Sana ok lang siya, Sana walang may nangyaring masama sa kanya. Aniya ni Michael sa kanyang isip. Dahil sa subrang tagal ng panahon hindi ko na alam kung anung nangyari sa kanya.Uminom pa si Michael ng ilang baso ng alak bago lumabas sa bar.Pagkalabas niya ng bar agad niyang kinuha ang cellphone niya sa kanyang bulsa upang tawagan si John, ang kanyang secretarya.pagka ring ng Cellphone ni John agad naman nitong sinagot Hello boss good evening. Napatawag po kayo? John cancel all my meetings within one week.Magbabakasyon muna ako. Pero boss... Hindi paman nito natapos ang sasabihin naputol na ang sa kabilang linya. Hindi lubos maisip ni John kung anu ang nangyayari sa boss niya dahil sa subrang tagal niya na nagtratrabaho dito ngayon lang nito kinancel ang mga meetings nito.Dahil alam ni John na walang mas mahalaga sa boss niya kundi ang mga companya lang nito. Pagkatapos tawagan ni Michael si John agad itong umuwi sa kanyang mansyon upang mag impaki ng kanyang mga gamit . Mula kanina pag labas niya sa bar hindi na siya mapakali, para bang gustong gusto niya ng makita ang batang babae na naging kaibigan niya noon. Kaya lang malalim na ang gabi at medyo lasing narin siya. Pagkatapos niyang mag impaki naligo muna siya, habang naliligo siya iniisip niya ang babae na kinukwento ng isang lalaki kanina sa bar. Pagkatapos niyang maligo, nag bihis siya at humiga sa kama nag-iisip siya kung ano ang sasabihin niya kung saka sakaling magkita sila ng babae. Hindi na niya namalayan at nakatulog na siya . Kinabukasan maagang nagising si Michael, pagkabangon niya sa kama agad siyang naligo at nagbihis, pagkatapos lumabas na siya sa kanyang kwarto dala dala ang kanyang malita. Dumiretso agad siya sa kanyang sasakyan at inilagay doon ang ganyang malita. Pagtapos dumiretso na siya sa driver set at nag maniho. Magtatanghali na ng dumating si Michael sa San Manuel. saktong pagdating niya nasa labas naman si Gorio isa sa mga katiwala nila. Agad nitong binuksan ang Gate at pumasok na si Michael at nag park. Pagka baba ni Michael sa sasakyan agad naman siyang binati nito. Magandang umaga sir Michael. Magandang umaga din mang Gorio,. Pwedi bang paki kuha ng mga gamit ko sa likod ng sasakyan at dalhin sa kwarto ko? Opo sir, sagot naman nito ng walang pag alinlangan Agad namang kinuha ni mang gorio ang gamit niya sa likod ng sasakyan at siya naman ay pumasok na sa loob ng bahay.. Pag dating niya sa sala nakita niya si maring nag hahanda ito ng tanghalian. Magandang tanghali aling maring. Magandang tanhali rin sir, nandiyan na pala kayo. Opo aling maring Mukhang pagod kayo sa byahe sir ha Oo nga po. Mabuti naman at naisipan nyong mamasyal dito. Oo nga aling maring. Palagi kasi akong busy kaya ngayon lang ako nag ka oras na mag bakasyon dito... Ganon ba. Hali na kayo sir. Maupo na ho kayo dito at kumain na tayo. Bago kayo magpahinga. Agad naman siyang umupo at kumain gutom narin kasi siya. Pagkatapos kumain nag paalam naman siya kay aling maring at mang gorio na magpapahinga muna siya sa kanyang silid. Hapon na ng magising siya. Agad naman siyang bumangon at pumunta sa beranda. Tiningnan ang paligid. Nakita niya si aling maring na nag aayos ng kanyang mga halaman si mang gorio naman ay nag didilig ng mga halaman. Dumako naman ang tingin niya sa gubat sa di kalayuan. Napag pasyahan niya na bukas ng umaga mamasyal siya sa gubat mag babasakaling makita niya ang babae matagal niya ng hinahanap. Habang nag hahapunan sila tinanong niya si Mang Gorio kung naka punda na ito sa loob ng gubat, nabigla naman ang matanda sa tanong nito.sabi naman nito na minsan lang ito pumunta ng gubat dahil maraming mga mababangis na hayop na nandoon. Tinanong niya naman ulit si mang gorio kung may nakatira bang tao sa loob ng gubat, sabi ni mang gorio mayroong nakatira doon, mag asawang matanda. Pero bihira lang nila ito makita, dahil minsan lang ito bumaba sa gubat para bumili ng mga pangangailangan ng mga ito. Pagkatapos niyang kumain bumalik agad siya sa kanyang silid, maghahanda pa siya ng mga gagamitin bukas para pumunta ng gubat.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook