Prologue
"Mas mainam siguro kung ipagpapatuloy ko pa itong ginagawa ko, ma. Hindi kita pwedeng pabayaan, aalagaan kita hangga't kaya ko pa. Kung nariyan lang ako, ako na ang mag-aalaga sa inyo." naluluhang sabi ko.
"Huwag mo akong alalahanin, anak. Masaya nga ako't ayos ka lang diyan. Malakas pa naman ako." Bakas sa tono niya ang panghihina.
I don't know what to do. Sobrang dami kong iniisip. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba 'to o hindi. Mabigat itong dinadala kong problema. Sana nalang ay kayanin ko. Para kay mama at sa mga kapatid ko.
Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha. Marahan kong pinunasan ang aking mga tumutulong luha.
"Ayos ka lang ba, anak?" alalang tanong ni mama.
"Ayos lang 'ho, ma. Nami-miss ko lang kasi kayo." naluluhang sagot ko.
"Sige po, magpahinga na po kayo." Advice ko kay mama.
"Sige, anak. Salamat sa oras mo. Magpahinga ka na rin. Huwag kang masyadong magpapapagod." paalala niya at ibinaba ang linya.
Gosh, ang sikip ng dibdib ko. Hindi ako makahinga ng maayos. Nag-aalala ako para kay mama pati na rin sa sarili ko. I can't tell her yet. Ayaw ko munang ipaalam sa kanya ang sitwasyon ko ngayon at baka mag-alala pa siya ng husto sa akin, hindi na nakakatulong sa kalagayan niya ngayon.
Gusto ko nang umuwi, gusto ko nang makapiling sina mama. Lubog na ako sa problema. Lord, please, gabayan niyo po ako.
Hindi ko napigilang mapahagulgol at humalukipkip. Napakasakit isipin ang naging resulta ng pinasukan ko. Hindi man lang ako nag-ingat sa mga naging desisyon ko. Gusto kong tulungan sina mama ngunit hindi sa paraang ito. Alam kong isang kasalanan ang pagtanggi sa biyaya ng Panginoon ngunit hindi pa ako handa para rito.
Kailangan ko ng tulong at gabay. Hindi ko malalagpasan ito ng mag-isa.
Ang usapan ay usapan, pero anong nangyari? Siya mismo ang lumabag sa limitasyon niya. Sinira niya ang usapan.
Hindi ko pa rin natigilang umiyak. Pakiramdam ko ay lagpas na sa isang timba ang aking naipong mga luha. Kung pwede lang umiyak ng dugo ay matagal ko nang ginawa iyon.
Pagod na ako, sa lahat ng mga kasinungalingan, problema at sa mga taong nagdala ng kamalasan at paghihirap sa buhay ko.
If praying for someone you wish were dead isn't a sin. Edi sana'y kanina pa lang ginawa ko na. Ngunit hindi ko kayang gawin iyon, pinipigilan ako ng sarili ko sa mga bagay na hindi ko dapat gawin.
Ilang minuto lamang tumagal aking pag-iyak nang tumunog ang aking cellphone.
Dahan-dahan akong tumayo at pinunasan ang aking mga luha.
Agad ko naman itong kinuha at tiningnan kung sino ang tumatawag. I felt a little relief when I saw his name flashed on the screen. But still, anger and frustration prevails inside of me.
Nagdalawang-isip pa rin ako sa kung anong gagawin. May galit pa rin ako sa kaniya, ngunit hindi ko muna hahayaan manaig ang aking galit. He mentioned he wanted to explain, baka ito na nga ang pagkakataon upang siya'y magpaliwanag sa mga nangyari sa pagitan naming dalawa.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa and I immediately answered the call.
"Dolly? Are you okay? Please, let me know if I can help. I don't want to see you suffering like this. Please, Dolly." Isang malambot na boses ng lalaki ang bumungad sa aking mga tenga.
Hearing his worried voice from the phone relieved me. I sensed his care and concern towards me. Now I realized that what I did earlier towards him was an act of selfishness and anger.
I was guilty of what I did. Oh, please help me. I need to be enlighten.
Patuloy pa rin ako sa pagsinghot at sigurado akong narinig niya iyon. Kinakabahan pa rin akong magsalita, ilang segundo akong napipi. Ramdam ko ang pasensya niya kahit pa't nasa telepono kami nag-uusap, andiyan pa rin siya, naghihintay ng aking sagot.
"Are you crying?...." may bahid na pagkagulat at pag-aalala ang kanyang boses. "Oh, please. Nag-aalala na ako sa'yo. Ilang araw mo na akong hindi kinakausap." Ramdam ko ang pag-alala niya dahil sa sitwasyon ko ngayon.
Sa lahat ng nangyari ay hindi ko inaasahang mag-aalala siya sa akin. I thought it was just a fake marriage, ngunit bakit ganito ang aking nararamdamanan? Everytime I hear his worried voice, my heart beats and races like a horse thriving with the wind.
Natatakot akong sabihin ang nangyari at baka'y itakwil niya ako. Ngunit kailangan kong gawin ito. Nakakahiya man para kay mama ay tatanggapin ko ito kahit na at ako'y hindi pa handa para sa hamon na ito. Hindi biro ang problemang pinasukan ko, kailangan ko 'tong panindigan
"H-harwin.." kinakabahang sambit ko.
"Phew! Thank God, I'm so worried baka hindi mo na ako kausapin muli. What's the problem? Why are you not answering my calls these past days? You don't how worried I am."
I took a deep breath before saying any words, 'di pa rin nawawala ang kaba sa loob ko.
"H-huwag ka sanang mabibigla s-sa sasabihin k-ko." may bahid na pag-aalala at takot ang boses ko. You can do this, Dolly. For you and your family.
Humugot ako ng kaunting lakas ng loob at huminga ng malalim.
Say the words now, Dolly.
"What do you mean?" takang tanong niya.
"I-I'm pregnant."
Nang dahil sa sinabi ko ay agad binalot ng katahimikan ang paligid. I wish I could escape this awkwardness.