Chapter 25

3556 Words

Chapter 25 Anak Ayokong maging bastos pero, ano’ng ginagawa niya rito?! Akala ko ba, wala na siyang balak na tumira pa rito?!             Mabilis kong tinago sa likod ko `yong hawak kong Chanel na paper bag dahil ang laki ng kislap ng mata niya pagkakita niya ro’n. Ganiyan `yan si Glenda. Alam niya lahat ng brands ng kahit na ano lalo na kapag bag dahil adik siya ro’n. Iyon `yong pinapabili niya sa mga lalake niya. Naalala ko pa noon, nagugulat na lang kami na nag-uuwi na siya ng iba’t-ibang klase ng bag mula sa mga mamahaling bags. Koleksyon niya raw, kagaya ng kung pa’no rin siya mangolekta ng lalake niya.   `Yun `yong mga panahon na kumakalam `yong mga sikmura namin sa gutom. Siyempre, hindi naman kami makareklamo, dahil nga, nanay namin siya, eh. Kapag alam niya na kita sa mga mukh

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD