Chapter 26 Cut Hangang-hanga ako sa sarili ko, sa totoo lang. Nagawa kong pakisamahan si Glenda nang buong linggo na `to nang matino, pero ang lamig ng pakikitungo ko sa kaniya. Ito kasing si Glenda, ayaw niyang `di siya pinapansin. Gusto niyang maging center of attention sa lahat ng tao lalo na kapag meron siya. Kagaya kanina, kinausap niya yata lahat ng amiga niya para ipamalita na may nabingwit `yong panganay niya na lalakeng may pera. Lumabas din naman ako pagkatapos namin kumain at makapaghugas ako ng plato. Do’n ako pumunta sa likod-bahay. May mini-garden kasi ro’n. Napasinghap ako pagkatingala ko. Ang daming bituin sa langit! Pakiramdam ko, tanaw ko sila sa pagkumpas ko ng kamay ko sa langit. Ang sarap ding pakinggan ng huni ng mga kulisap kapag gabi. A

